in

Sanctions decree, ipatutupad simula ngayon. Narito ang nilalaman

Mas mabigat na mga parusa sa mga pamilya at mga kumpanya na tatanggap sa mga iligal na imigrante. Ngunit ang posibilidad na makaligtas sa mga parusa at gawing regular ang worker sa pamamagitan ng ‘declaratzion of regularization’ (dichiarazione di emersione) ay sisimulan mula Sept 15 hanggang Oct 15.

Roma, 9 Agosto 2012 – Ipatutupad simula ngayong araw na ito ang mga bagong panukala at batas ng mga parusa sa sinumang tatanggap sa mga mamamayan ng Third countries na walang permit to stay. Ang legislative decree n. 109 ng July 16, 2012, samakatwid ay nagsasaad ng mas mabigat na mga parusa sa sinumang tatanggap sa mga walang permit to stay gayun din ng posibilidad na mag-report ang mga manggagawang biktima ng exploitation kapalit ang humanitarian permit to stay. Ito rin ay isang pagkakataon upang ang mga pamilya at mga kumpanya na tumanggap sa mga undocumented ang ideklara ang kasalukuyang sitwasyon, upang gawing regular ang employment gamit ang angkop na aplikasyong isusumite mula Sept 15 hanggang Oct 15, upang maiwasan ang mga parusa at mabigyan ng regular na permit to stay ang worker.

Tinatayang aabot sa halos 150,000 ang mga nagnanais ng regularization, ayon sa pamahalaan. Sa ilalim ng batas, sa pagpapatupad ng EU directive, ang mga employer ay dapat magbayad ng isang kontribusyon (contributo forfettario) ng 1000€ , at sa pamamagitan ng tawag o ‘convocazione’ upang pirmahan ang ‘contratto di soggiorno’ ay patutunayan ng mga employer ang naging pagbabayad ng anim na buwang sahod, buwis at kontribusyon. Samantala ang mga worker naman ay dapat patunayan ang kanilang pananatili sa bansa bago sumapit o hanggang Dec 31, 2011, at ito ay pagkakalooban ng permit to stay.

“Ang aming mensahe ay hindi ang pagbibigay ng Sanatoria, tipikal sa isang bansa ang isiping lahat ay maayos ngunit sa bandang huli ay nagkaka problema… Ang tema ng imigrasyon ay kailangang baguhin, at lumabas sa lohiko ng ‘emerhensya’, ayon sa Ministro ng Integrasyon Andrea Riccardi, sa kanyang pagsasalita kamakailan."Sa panahon ng krisis sa ekonomiya at ng pagkabahala sa lipunan, ay hindi dapat ipasok ang tema ng labanan sa pagitan ng mahihirap (guerra tra i poveri) ”, babala ng Ministro at binigyang diin ang pangangilangang “hintuan na ang mga malulupit na batas at pagpupumilit na adaptations sa katotohanan”: kailangang lisanin ang illegalities at ang exploitation sa imigrasyon at ngayong mayroong pagkakataong piliin ang pagiging legal ng mga employer. Tayo ay nagbuhat, sa kasamaang palad buhat sa politika ng mga salita at halos wala para sa imigrasyon”, paalala ni Riccardi. “Ngayon, ay layunin ang labanan at bawasan ang distansya sa pagitan ng legalidad at reyalidad, at ang mananatiling makikita ay kung ano ang naiwan lamang”.  

Ang dekreto ay nagsasaad na ang awtorisasyon ng trabaho (nulla osta al lavoro) ay maaaring tanggihan kung ang employer ay mapapatunayang nahatulan dahil sa mga paglabag, kabilang ang: aiding and abetting illegal immigration, recriutment sa prostitusyon o exploitation sa mga minors sa ilegal na aktibidad, ipinagbabawal na intermediation at pagsasamantala sa trabaho. Kung ang mga dokumentong isinumite ay mapapatunayang dinaya o peke ay magkakaroon ng pagtanggi sa nulla osta per lavoro at ipapaalam sa Ministero degli Affari Esteri sa pamamagitan ng online network.

Ang parusa para sa mga employer ay maaaring tumaas, kung ang bilang ng mga manggagawa ay higit sa tatlo, o kung mga menor de edad ang mga workers o nasa ilalim ng mga kondisyon ng pananamantala sa trabaho. Sa huling nabanggit na kaso, ang questore ay maaaring magbigay sa worker, na naghabla o nag-file ng reklamo at nakipagtulungan sa panahon ng paglilitis laban sa employer, ng isang special permit to stay.

Ang dekreto ay nagtataglay din ng ‘transitional measures’ (o disposizione transitoria) na nagbibigay ng pagkakataon sa mga employer na ihayag ang irregular employment.  Hanggang sa matapos ang proseso ng regularization ay suspendido ang administrative at penal na paglilitis laban sa employer at sa worker sa paglabag sa ilang mga violations. Ang artikolo 5, talata 1, ng batas sa katunayan ay nagsasaad – sa loob ng 20 araw ng pagpapatupad – ay ilalabas ang implementing rules and guidelines na pinirmahan ng Ministry of Interior, matapos ang konsultasyon sa Ministro ng  Labor and Welfare, Ministro ng International Cooperation and Integration ,Ministro ng Ekonomiya, na nagtataglay ng mga pamamaraan ng paghahayag ng deklarasyon at ang angkop na sahod ng mga employer.

Ang deklarasyon ng regularization ay maaaring gawin ng Italian employers, EU nationals at mga non-EU nationals na carta di soggiorno holders na mayroong hindi regular na manggagawa o irregular employment tatlong buwan bago ang petsa ngayon, Aug 9 at magpapatuloy hanggang sa presentasyon ng declaration of regularization ng dayuhan na nasa bansang Italya ng tuloy tuloy at pumasok sa bansa ng Dec 31, 2011 (o bago sumapit ang Dec. 31). Ang deklarasyon ay maaaring gawin simula Sept 15 hanggang Oct 15, ayon sa pamamaraang isasaad ng dekreto. Hindi kabilang ang mga part tme job, maliban  lamang sa domestic job at sa family support, ng talata 8 ng  ‘transitional measures’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Blue card, aplikasyon on line simula ngayon

Pilipinas sa Guinness World of Records