“Ano ang kasalanan o ang pagiging karapat-dapat ng isang tao kung siya ay ipinanganak, nag-aaral, nakatira at nagbabayad ng buwis at sa huli, ay maaaring mamamatay din sa ating bansa?”
Milan, Enero 30, 2012 – Ayon kay Di Pietro, ang leader ng Italia dei valori ay sang-ayon siya sa pagbibigay ng Italian citizenship sa mga ipinanganak sa Italya ng mga magulang na imigrante.
Ito ay binigyang-diin bilang tugon sa isang tanong ukol dito ni Fabio Fazio sa transmission na ‘Che tempo che fa’.
“Oo,oo,oo” sagot sa interlocutor, at idinagdag pa “ano ang pagkakasala ng isang tao kung siya ay ipinanganak dito, nag-aaral, nakatira at nagbabayad ng buwis at sa huli, ay maaaring mamamatay rin sa ating bansa? Bakit hindi maaaring magkaroon ng Italian citizenship? Ano ang naging kasalanan nya?