in

Saya: “Paalisin ang mga migrante at kumpiskahin ang kanilang mga ari-arian”

Nasasaad sa programa ng Partito Nazionalista Italiano, ang pagpapahinto sa migrasyon at ang pagpapaalis ng mga dayuhan na nasa Italya. Democratic Party: “Pamahalaan dapat umaksyon”

altRome – “Gusto naming linisin ang Italya”, paghahayag sa Internet ni Gaetano Saya Antonio Maria, pinuno ng nasabing partido, na syang naglunsad ng isang kampanya kamakailan, upang lumikha ng ” legions para sa seguridad at pagtatanggol sa bansa” na ilalabas sa isang pagtitipon sa Genova sa darating na Setyembre.

Si Saya, na naging laman ng mga headline sa nagdaang ilang taon sa pagtatatag ng tila isang uri ng paglilinis, ay isinisingit na bahagi ng program ang labanan ang migrasyon. “Ang lahat ng mga bagong Italyano, ay hindi mga mamamayan, ganito ang pagkilalang ibinibigay na karapatan ng ating Konstitusyon at dapat nilang lisanin ang ating bansa”.

Ipina-paalala ni Augusto Pinochet, Charlie Chaplin at sarhento Garcia mula sa Zorro, paliwanag ni Saya, na ang mga migrante ay dapat lisanin ang bansa ng walang dala. “Ang kanilang mga ari-arian, ayon pa dito, ay dapat kumpisahin at ingatan ng Estado samakatwid dapat ay ipagkatiwala sa mga mamamayang Italyano.”

Ang konsepto ay tinalakay sa programa ng partido nasyonalista. Kung saan ipinangangako ang “pag-iwas o pagtanggi sa anumang karagdagang migrasyon ng mga hindi Italyano” at “pilitin ang lahat ng mga migranteng hindi Italyano na nasa bansa matapos ang Disyembre 31, 1977 na lisanin ang bansa.”

Samantala si Emanuele Fiano, presidente ng Forum ng Seguridad at Tanggulan (Sicurezza e Difesa) ng Democratic Party, ay hinihingi ang mabilisang kilos ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng ganitong uri ng pag-iisip na mag-uudyok ng galit o ng racialism . Ang PD ay hihiling  sa Gobyerno ng ‘urgent interrogation’ para sa mga konkretong aksyon.

“Siyempre – ayon kay Fiano – mahirap basahin ang taong ito at mahirap na malaman kung paano piliin ang mga kanyang mga ideya, kung alin ang pawang pagkukunwari sa mga katotohanan na tumutukoy ng isang kultura ng pasista, rahas at rasismo”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Junrey Balawing, ang pinaka maliit na tao sa buong mundo

Padania: Lagyan ng buwis ang mga remittances!