Nais na pahintulutan ng EU ang border control sa loob ng Schengen area hanggang tatlong taon dahil sa public security and order.
Bruxelles – Inihayag ng European Commission ang pagnanais na pahintulutan ang border control sa loob ng Schengen area hanggang tatlong taon dahil sa public security and order.
Batay sa panukala, gayunpaman, ang mga State members ay may karapatang palawigin pa ang nasabing control kung mayroon mang nakaumang na banta dito, paliwanag ng European Commission sa isang note.
Ang 26 na bansa na pumirma ng Schengen agreement para sa free circulation ng mga mamamayan nito ay maaaring muling ipatupad ang control para sa anim na buwan, at dalawang taon naman kung ang banta sa public security ay nagsasanhi rin ng problema sa frontier tulad ng kasaluyang krisis sa migrasyon.
Ngunit “mula sa Nobyembre ay hindi na maaaring gawin ang temporary internal frontier control sa limang bansa bilang aksyon sa influx mula sa Eastern Mediterranean”, ayon EU commission Dimitri Avramopoulos.
“Ang lahat ng mga Member States ay maaaring ipatupad kung kinakailangan ang frontier control at ito ay dahil lamang sa public control”, kumpirma pa nito. Ang mga limitasyong nabanggit ay kinakailangang matugunan ang pamantayan “kinakailangan at angkop sa gagawing pagsusuri ng Commission”.
stranieriinitalia.it