in

Schengen, extension ng dalawang taon sa internal border control

Ang mga bansa ay nanawagan sa Commission na humantong sa artikulo 26 ng Schengen Code. Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng “malaking pagkukulang” sa mga external borders.

 

Rome, Enero 26, 2016 – Free circulation sa Europa, maisasalba ng pagbabalik ng border checks?

Sa ginanap na summit ng mga Interior Ministers ng Europa kahapon sa Amsterdam, lahat ay sang-ayon na mapanatili ang prinsipyo ng free circulation. Ngunit tulad ng paliwanag ni Security Minister ng Netherlands Klaas Dijkhof, ang majority ay “nagmungkahi sa European Commission na ihanda ang alituntunin sa pagpapatupad sa artikulo 26 ng Schengen Code”.

Nasasaad sa artikulong ito na sa mga natatanging pangyayari, sa pagkakaroon ng “malaking pagkukulang sa external border control, bawat bansa ay maaaring ibalik ang internal border control ng anim na buwan. Kung ang sitwasyon ay magpapatuloy, ang border check ay maaring palawigin hanggang dalawang taon.

Ang majority na tinutukoy ay higit sa anim na bansa na humaharap sa banta ng terorismo o ng pagdagsa ng mga refugees at migrante, ay muling nagbalik ng control tulad ng France, Austria, Germany, Denmark, Sweden at Croatia. Nakasalalay sa Commission ang pagsusuri sa “malaking pagkukulang” sa border control, partikular sa Greece na humingi ng tulong sa Frontex.

Ayon pa kay Dijkhoff ang diskusyon sa artikulo 26 ay “hindi ukol sa pagpapatalsik ng isang bansa sa Schengen (halimbawa ng Greece) ngunit ang panatilihing nasa loob nito ang mga bansa, sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga pansamantalang panukala nito”. Ang nabanggit na anim na buwan ay “maaaring hindi sapat upang masolusyunan ang krisis at ipagpaliban ang border control ”.

Sa madaling salita, ang pagbabalik at extension ng control, na nasasaad sa mga alituntunin ng Schengen, ay kinakailangan upang isalba ang free circulation. Ngunit sa kasalukuyan, ang Italya ay nangangamba na ang pagsasara sa mga borders ay higit na maghatid sa Italya kahit na ang mga tumatawid sa Balkans. At sa mga pagdagsa sa Sicily ay madagdag rin ang mga manggagaling buhat sa North East at Adriatic.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

POEA Memorandum Circular No. 13, ang nilalaman nito

Bonus cultura, isang susog upang ibigay rin sa mga anak ng mga imigrante