in

Scholarship mula sa Italian Foreign Ministry para sa mga dayuhang mag-aaral at mga mag-aaral na Italyano na residente sa ibang bansa

Kahit ngayong taon ay inilunsad ng Ministry of Foreign Affairs ang 2017-2018 MAECI Scholarship.

 

 

Abril 3, 2017 – Inilunsad kamakailan ng Ministry of Foreign Affairs ang 2017-2018 MAECI Scholarship: Bando per l’assegnazione di borse di studio offerte dal Governo italiano a studenti stranieri e studenti cittadini italiani residenti all’estero (Ire) per l’anno accademico 2017-2018.

Layunin ng scholarship ang maipagtibay ang international cultural cooperation, pagpapakalat ng kaalaman sa wika, kultura at agham ng Italya gayun din ang presentasyon ng economic at technology system ng Italya sa buong mundo. 

Monthly allowance, health insurance at free tuition fees. Ito ay ang scholarship na ibinibigay ng gobyerno ng Italya sa mga dayuhang residente sa ibang bansa na nais mag-aral sa Italya.

Ang scholarship ay nakalaan sa 200 bansa, kabilang ang Pilipinas, para sa academic year 2017/2018. Maaaring kumuha ng degree, post-graduate degree, specialization courses, PhD, higher education for music and arts at advance courses of Italian language and culture at updated courses and formation for Italian language. 

Bukod sa pagkakaroon ng residence sa ibang bansa, kabilang sa mga requirements ang edad sa pagitan ng 18 hanggang 36 (45 anyos naman para sa mga Italian professors). Samantala, sa unang taon ng PhD ay 33 anyos ang maximum required age.  Ang kakayahang magsalita sa wikang italyano na may sertipikong angkop sa napiling kurso. 

Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Foreign Affairs hanggang hatinggabi (local time) ng May 10, 2017.   

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto flussi 2017, itinalaga at hinati ang unang bahagi sa mga rehiyon at probinsya

April 10, ang due date ng first quarter payment sa contributi Inps ng mga colf