Scholarship sa mga papasok sa unibersidad, master’s degree, doctorate pati ang mga mag-aaral ng wikang italyano. Narito ang public competition para sa academic year 2015/2016 at ilang mahahalagang impormasyon.
Rome – May 5, 2015 – Suportahan ang “international cultural cooperation, ang pagpapalawak ng kaalaman sa wikang italyano, kultura at agham ng Italya, gayun din ang pagpapakita ng ekonomiya at teknolohiya ng Italya sa buong mundo”.
Ito ang layunin ng public announcement para sa mga dayuhang mag-aaral na ibinibigay ng gobyerno ng Italya para sa academic year 2015/2016. Ang scholarship ay nakalaan sa mga sumusunod na kurso: Undergraduate University courses; Postgraduate University courses; Master’s degree courses (Levels I & ii); Ph. D. Courses; Specialization Schools; Research under academic supervision; Courses of Higher Education in Art, Music and Dance (AFAM); Advanced Courses on Italian language and culture Courses for Teachers as second language.
Ang scholarship, na ibibigay ng Ministry of Foreign Affairs sa pamamagitan ng mga consulates/embassies sa buong mundo, ay karaniwang tumatagal ng 3, 6 o 9 na buwan (ngunit ang Italian language course ay 1 buwan lamang at tumatagal naman hanggang 1 taon para sa mga Libyan nationals) at nakalaan sa higit sa 100 bansa kabilang ang Pilipinas. Sa nabanggit na listahan ay makikita rin ang mga pangunahing bansa ng malalaking populasyon sa Italya tulad ng Romania, Albania, Morocco, China at Ukraine.
Kabilang sa mga requirements ang edad mula sa 18 hanggang 35 anyos (45 anyos naman para sa mga magtuturo ng Italian language), sapat na kaalaman sa wikang italyano (average level o B2) at angkop na diploma at kwalipikasyong kinakailangan. Ang mga aplikasyon ay ipapadala online. Magmadali, tatanggapin ang mga aplikasyon hanggang hatinggabi ng Miyerkules May 13, Italian time.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Foreign Affairs.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]