Ang scholarship ay ibinibigay ng gobyerno upang mahikayat na kumuha ng degree, post-graduate degree, specialization courses at iba pa sa Italya ang mga dayuhang mag-aaral na residente sa ibang bansa. Narito ang public announcement. Deadline bukas April 15, 2016.
Roma, Abril 14, 2016 – Halos 800 euros kada buwan, health insurance at free tuition fees. Ito ay ang scholarship na ibinibigay ng gobyerno ng Italya sa mga dayuhang residente sa ibang bansa na nais mag-aral sa Italya.
Inilathala ng Ministry of Foreign Affairs, ang scholarship ay nakalaan sa 200 bansa, kabilang ang Pilipinas, para sa academic year 2016/2017. Maaaring kumuhang degree, post-graduate degree, specialization courses, PhD, higher education for music and arts at advance courses of Italian language and culture at kung Italian professor, updated courses and formation.
Ang sinumang tumatanggap na ng scholarship ay maaaring humingi ng renewal nito upang maipagpatuloy o ang makumpleto ang kurso. Ngunit sa ganitong mga kaso, ayon sa Ministry, ay magkakaroon ng masusing pagsusuri sa academic results at pagiging regular sa pagpasok sa mga kurso. “Ang mga huminto na ay awtomatikong hindi kasali sa scholarship”.
Kabilang sa mga requierements ang pagkakaroon ng residence sa ibang bansa, may edad sa pagitan ng 18 hanggang 35 (45 anyos naman para sa mga Italian professors), may kakayahang magsalita sa wikang italyano at isang diplomang angkop sa napiling kurso. Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Foreign Affairs hanggang hatinggabi (local time) bukas, April 15, 2016.