in

Seasonal workers, mas madaling pagpasok sa Italya at conversion ng permit to stay

Multi-year working permit, conversion ng permit to stay, tirahan at iba pa. Narito ang circular kung saan nasasaad ang mga pagbabago na nasasaad sa legislative decree 203/2016. Ang mga forms para sa aplikasyon ng nulla osta, updated na rin. 

 

Disyembre 27, 2016 – Ipinatutupad na simula noong Nov 24 ang legislative decree 29 Oct 2016 bilang 203 at ang pagsasabatas ng Directive 2014/36 / EU ukol sa kondisyon ng pagpasok at pananatili ng mga third country nationals bilang mga seasonal workers sa Italya.

Partikular ang dekreto ay nagsasaad na ang mga foreign seasonal workers ay maaaring mag-trabaho sa sektor ng agrikultura, restaurants at hotels. Ito ay magpapahintulot sa mas madaling pagbibigay ng multi-year working permit sa pagpasok sa Italya ng hindi na kailangan pang maghintay sa pagtatalaga ng decreto flussi: sapat na ang pananatili sa Italya bilang seasonal worker ng isang beses sa huling limang taon at hindi na tulad ng ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan, na hindi dapat bababa sa dalawang magkasunod na taon. 

Kahit na ang tacit consent makalipas ang 20 araw mula sa pag-aaplay ng nulla osta ay ipatutupad lamang kung ang seasonal worker ay nakapag-trabaho na sa Italya bilang seasonal worker kahit isang beses lamang sa loob ng huling limang taon, kumpara sa ipinatutupad noon na dapat ay nag-trabaho na sa Italya sa nakaraan o huling taon. 

Mas madali na rin ang conversion ng mga permit to stay mula sa seasonal job sa sinumang mayroong job offer, determinato o indeterminato man at ang aplikasyon ay maaaring isumite makalipas ang 3 buwang pagta-trabaho bilang seasonal. Samantala hanggang sa ngayon ay ibinibigay lamang ang posibilidad na ito sa sinumang nag-trabaho na sa Italya bilang seasonal worker sa mga nagdaang taon. 

Isang mahalagang bagay din ang pagbabago ukol sa tirahan na dapat ay patunayan ng employer. Batay sa dekreto, ang halaga ng upa sa apartment ay hindi maaaring sobrang taas kumpara sa estado ng apartment at sa sahod na matatanggap ng seasonal worker at hindi dapat lalampas sa 1/3 ng sahod nito. Hindi rin maaaring kaltasin ang upa ng apartment mula sa sahod ng seasonal worker. 

Higit na proteksyon naman sa sinumang magta-trabaho sa mga kumpanya na hindi sapat ang mga dokumentasyon upang makumpleto ang hiring. Kung ang refusal sa aplikasyon ng nulla osta o ng permit to staty ay dulot ng employer, ang employer ay kailangang ibigay pa rin sa worker ang halaga ng ipinakong sahod sa pagta-trabaho nito sa Italya. 

Ang dekreto ay simulang ipinatupad noong Nov 24 at sa parehong araw, ang Minsitry of Interior ay nagpadala ng isang circular sa mga prefecture na nagpapaliwanag sa mga pagbabago.

Ayon sa Viminale, “ang mga forms sa aplikasyon ng nulla osta para sa pagpasok ng mga seasonal workers – multi-year working permit o single entry – ay parehong updated upang masiguro ang pagpapadala ng mga aplikasyon batay sa mga huling pagbabago”. 

Narito ang buong teksto ng dekreto. 

Ang circular ng Minsitry of Interior. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pediatrician sa anak ng mga undocumented, patuloy na ‘experimental phase’ sa Lombardy

Rizal day, gugunitain sa Roma!