in

Second generation (Figli d’Italia). Jus soli igagawad sa lalong madaling panahon

altDelegasyon ng mga kabataan, asosasyon, mamamahayag at indibidwal kasama ng ilang mga politicians ang dumalo sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Stranieri in Italia, Libertiamo at Nuovi Italiani Pd  sa Kamara noong ika-20 ng Disyembre. Nakatuon ang pulong na ito sa pinagkasunduang panukalang baguhin ang batas tungkol sa italian citizenship para sa kabataang nasa pangalawang henerasyon.

Roma –  Alas 10:30 ng umaga dalawang araw na ang nakakaraan (Dec. 20, 2011) sa  Sala Mappamondo della Camera dei Deputati, ang panukalang batas ukol sa italian citizenship ay muling pinag-usapan at sa pagkakataong ito, malamang na nakapukaw sa puso at isipan ng mga politiko ang prosesong pinagdadaanan ng mga kabataang anak ng mga dayuhan na patuloy na humihingi ng permesso di soggiorno sa ipinakitang documentary ng “Jus soli”  na kung saan ay nagpatotoo ang mga kabataang dayuhan kasama ang Pinoy na si Alvin ng Ascoli.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Jus soli? Ito ay salitang latino na ang ibig sabihin ay “Birthright citizenship”, isang karapatan ng taong ipinanganak sa bansang banyaga. Sa buong mundo maliban sa Europa, ang mga ipinanganganak na batang anak ng dayuhan ay agad iginagawad dito ang citizenship na kaugnay sa estado. Ang sigaw ngayon ng mga kabataan kasama ng mga institusyong lokal at mga pribadong tanggapan ay ibigay ang italian citizenship sa mga batang ipinanganak sa Italya. Baguhin ang batas tungkol sa pagkamamamayan at kilalanin ang second generation bilang mga italyano.   

“E’ una assurdità e una follia che dei bambini nati in Italia non diventino Italiani. Non vieni riconosciuto loro un diritto fondamentale”.(Isangkahangalan at isang kalokohan na ang mga batang ipinanganak sa Italya ay hindi maging Italyano. Ang pangunahing karapatan ay hindi kinikilala.), mga salitang ipinahayag ng Presidente Giorgio Napolitano.

May tinatayang isang milyong mga bata at kabataang anak ng mga dayuhan bansang Italya. Malinaw na datos na nahayag sa documentary film nang araw na iyon. Sila ang mga bagong italyano na naniniwalang magpapabago sa kinabukasan ng bansang Italya.

Ang mga kinatawan ng PD na si Livia Turco, Andrea Sarubbi e Jean Leonard Touadi, ang deputy ng Udc na si Roberto Rao at deputy ng Fli na sina Benedetto Della Vedova at Fabio Granata ang haharap sa mga pamamaraan kung paano maisasakatuparan mula sa magandang intensyon at maging totoo ang reporma sa batas ng italian citizenship. Magbubuo diumano ng isang proposal na may pwersa upang ito ay maging batas. 

Noon pa man ay hadlang ang Lega subalit ngayon ang political framework ay nagbabago na at posibleng maipatupad agad ang reporma tungkol sa Italian citizenship. Ang capogrupo mg Idy sa Kamara na si Massimo Donadi ay sumasang-ayon na at ayon sa kaniya na ang pagbibigay ng Italian citizenship sa bagong italyano ay isang civil obligation.

Ang inisyatibang ito ay maaaring tutukan sa pamamagitan ng website ng Kamara, ang www.webtv.camera.it (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Annak ti Sta. Catalina Filipino Community, nagdiwang ng Christmas Party

Expired ang aking Philippine passport, paano ako makakauwi ng Pilipinas?