in

Second generation, free grant hanggang 10 euros bilang entrepreneurs

February 29 ang deadline para sa mga kabataang nagnanais na maging entrepreneurs. Hanggang 10,000 euros free grant.

 

Roma, Pebrero 26, 2016 – Unemployed foreign youths na nagnanais na maging entrepreneurs? Magmadali! Mayroong 10,000 euros na naghihintay sa inyo.

Hanggang alas 12 ng tanghali February 29 ang deadline para makasali sa public competition na “Giovani migrant 2G”, na pinodohan ng Minsitry of Labour and Social Welfare. Naglaan ang nabanggit na ahensya ng 1,6 million euros free grant o ‘a fondo perduto’ para sa 160 aspirant entrepreneurs, bukod sa formation at suporta para masakatuparan ang kanilang mga proyekto.

Maaaring lumahok ang mga kabataan mula 18 hanggang 30 anyos na mga non Europeans na mayroong permit to stay na nagpapahintulot mag-trabaho bilang self-employed, o mga Italians na may non European origin at nagkaroon ng Italian citizenship matapos ang kapanganakan. Ibang requirements ay ang pagiging residente sa Lazio, Campania o Sicilia region at ang unemployment status.

Maaaring mag-aplay bilang indibidwal (ditte individuali) o bilang kumpanya (kooperatiba etc) Sa kaso bilang kumpanya, maaaring mag-aplay ang higit sa isang kasapi hanggang 50,000 euros na kontribusyon.

Sa ‘graduatoria’ ay bibigyang priyoridad ang mga kababaihan, at ang mga nahihirapang humanap ng trabaho partikular ang mga kabataan hanggang 24 anyos at mga unemployed sa higit na 12 buwan.

Sa website www.giovani2g.it ay matatagpuan ang buong public announcement at mga tagubilin.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

#EDSA30, paggunita sa anibersaryo ng People Power

Limitadong gamit sa self-certification ng mga imigrante, kinumpirma ng Milleproroghe