Sino ang magsasabing ang anak ng mga dayuhan ay hindi mahuhusay sa klase? Italian dream team sina Brisa at ang iba niyang kasama.
Roma – Sina Brisa Lutaj, Francesco Cheng at Anna Wiktoria Redel, ang tatlong estudyanteng anak ng mga dayuhan, tinaguriang ehemplo sa paaralang kanilang pinapasukan. Nakakuha sila ng 100 points sa “final exam” sa Professional Institute of Sassetti Peruzzi in Florence. Dalawang italyano lamang sa eskwelahang iyon ang nakakuha ng markang tulad ng tatlong estudyante.
Ang pagiging ehemplo ng mga estudyanteng dayuhan ay malaking tulong upang baklasin ang mababang pagtingin sa mga dayuhang nag-aaral sa mga paaralan ng Italya. “Siniseryoso namin ang pag-aaral kasi ito lamang ang nakikita naming oportunidad” – ang sinabi ni Brisa sa isang panayam. Hindi siya nag-atubiling sabihin na ang mga estudyanteng italyano ay wala gaanong interes sa pag-aaral na siyang ikinagagalit ni Brisa.
Ang kaso bang ito sa Florence ay naiiba? “Hindi. Dahil sa ito’y nagaganap sa ikalawa at ang ikatlong henerasyon ng mga italyano sa labas ng bansa, kahit ang mga dayuhan sa Italya ay maaaring magkamit ng mataas na antas ng pag-aaral na ang resulta ay mas higit pa sa mga italyano” – ayon kay Carlo Melegari, director ng Centro Studi Immigrazione (Cestim) sa Verona.
Kailangan pa rin umano na tulungan ang mga kabataan na maka-integrate sa mga eskwelahan. May paraan naman upang malampasan nila ang maaaring maging sabagal sa integrasyon at ito’y sa tulong ng kanilang mga magulang. Malaki itong tulong sa mga dayuhang kabataan upang sila’y maging ehemplo sa eskwelahan. Ito ang puna ni Melegari
Nakikita naman ang determinasyon ng mga kabataang ito, halimbawa, halos isang daang mga kabataang dayuhan ang sumali sa summer course na inorganisa ng Cestim. Uma-attend sila ng apat na oras sa klase araw-araw samantalang ang mga kababatang Italyano ay nasa beach at nagsasaya. “Patunay ito na may mataas na motibasyon ang mga kabataang dayuhan” – ang papuri ng direktor.
Kapansin-pansin rin ang ganitong pangyayari sa United States. Sa Intel Science Talent Search ay nagkaroon ng awarding para sa pinakamahusay na estudyanteng amerikano sa aghan at matematika, ang pinakamaraming nakasama sa finalist ay mga kabataang dayuhan na nakatanggap ang premyong Pulitzer Thomas Friedman na tinawag na America’s Real Dream Team na nahayag sa New York Times. Si Brisa kasama ng iba pang kabataan ay siyang ehemplo upang makamait ang parangal na italian dream team. (Liza Bueno Magsino)