in

Security Act – ilan sa mga atas ay hindi naisasakatuparan

Ano na ang nangyari sa integration agreement (accordo di integrazione), italian language test para sa carta di soggiorno at  bayarin sa permit to stay.

Roma – August 6, 2010 – Halos isang taon na ang nakakaraan nang aprubahan ang bagong batas sa seguridad, ipinangaladakan ng gobyerno, ipinagmayabang ng mga makakanan bilang isa sa kanilang pangunahing layunin. Ang sentro ng mga atas na ito ni Maroni at ng kaniyang mga kaalyansa ay ang hindi nila pagsang-ayon sa illegal na paninirahan ng mga dayuhan, pagtigil ng mahabang panahon sa shelter o pagbabawal na magpakasal ang mga non-documented na dayuhan. May mga bagong kautusan rin para sa mga legal na dayuhan, subalit hanggang sa kasalukuyan, ang mga pagbabagong ito ay tungkol lamang sa carta di soggiorno. 

Sa mga kautusang binago, nahuhuli ang integration agreement sapagkat hanggang sa ngayon, wala pang malinaw na proseso sa mga binagong batas at isa na dito ay ang pagpapatupad sa pagkuha ng pagsusulit sa wikang italyano, edukasyong sibika , at iba pa, usap-usapan rin ang tungkol sa point system ng permit to stay. Ang reglamento na magtitiyak sa pagpapatupad ng mga pagbabago ay inaprubahan na ng gobyerno. Subalit sapagkat ito’y pag-aaralan ng Konseho at Komisyon, mahihirapan itong ipatupad bago sumapit ang taong 2011.

Italian language test ang umuugong na balita sa ngayon. Uubligahin ang sinumang nagnanais magkaroon ng carta sdi soggiorno. Nangangahulugan na ang reglamento ay ipinatutupad na para sa italian test. Ito ay uumpisan sa ika-9 ng Disyembre 2010.

Ang bayarin naman sa permesso di soggiorno ay nanatili pa rin ang halaga hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa batas ng seguridad, ang permesso di soggiorno ay magkakahalaga ng minimum na 80 euro hanggang maximum of 200 euro, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa nagtatakda ng kaukulang halaga ang Ministero dell’Interno at ang Ministero dell’Economia.

Marahil ay naghihintay sila ng tamang panahon at tapusin ang mga naunang nag-aplay at nag-renew ng nasabing permit to stay. (Liza Bueno Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Labingdalawang Teams nakilahok sa opening ng European Filipino Friendship Group

Mga employer tipid sa pagbabayad ng buwis kung regular ang colf at badante