Sa human trafficking, hindi makatarungang pagbibilanggo agad sa sinumang may pagkakasala. Ayon sa konstitusyon ng Hukuman ay dapat ding isaalang-alang ang posibilidad ng iba pang uri ng parusa.
Rome – Ang batas sa seguridad sa ilalim ng pamahalaan ni Berlusconi (partikular si Roberto Maroni ng Minstry of Interior) na inaprubahan ng center-left coalition noong 2009 ay muling nabawasan. Ang dahilan: walang rispeto sa Saligang-Batas ng Italya.
Sa naging desisyon, binigyang diin ng Consultative body na may trafficker at smmugler, mula sa internasyonal na organisasyon hanggang sa mga indibidwal o mga grupo na taga-kilos lamang “para sa maraming mga kadahilanan, at kahit isang simpleng tulong na may ugnay sa partikular na relasyon sa pinapaborang migrante”. Ito ay ang pagkakaiba-iba “kung bakit ang parusa ng pagkakabilanggo ay hindi nararapat iangkop sa halat ng kaso”.Sa sentensya bilang 331ng taong 2011, na nai-file kahapon, ang Korte samakatuwid ay naghayag “na labag sa saligang-batas art. 12, talata 4-bis ng Batas noong Hulyo 25, 1998, bilang 286 (ukol sa mga probisyon na namamahala sa imigrasyon at ang batas ukol sa kondisyon ng dayuhan), dagdag ang artikulo 1, talata 26, sulat f) ng Batas noong Hulyo 15, 2009, bilang 94 (mga probisyon na may ugnay sa pampublikong kaligtasan), sa parteng – kung sakaling may malubhang ebidensiya ng pagkakasala na may kaugnayan sa krimeng tinutukoy sa talata 3 ng artikulo, ay ilalapat ang pagbibilanggo, maliban kung ang mga ito ay magpapakita ng mga elemento ng hindi pagpapataw ng parusa – kung sa kasong mayroong tiyak na mga ebidensya ugnay sa kaso, na maaaring patawan naman ng iba pang uri ng kaparusahan”.
Matapos ang pagpapawalang-bisa ng ilang mga pangunahing batas tulad ng naaayon sa paglubha ng iligal na imigrasyon o ang pagbabawal ng kasal sa Italya ng sinumang walang permit to stay, ang Consulta o Consultative body ay ipinahayag kahapon na labag sa saligang-batas ang isang probisyon laban sa human traffickers na awtomatikong magdadala sa bilangguan sa pagkakaroon ng mga indikasyon ng pagkakasala. Ayon sa Hukuman ay dapat hayaan ang hukom na suriin ang iba pang uri ng precautionary measures, tulad ng, house arrest o town arrest .
Hindi maaaring mag-apila laban sa “nakaka-balisang sitwasyon ng lipunan na nauugnay sa pagtaas ng iligal na migrasyon”. Ang lunas sa sitwasyon ng lipunan na sanhi ng pagkakasala – pagpapa-alala ng Consulta – ay hindi maaaring ibilang sa mga dahilan ng pag-parusa, ang paggawa ng institutional functions ng kaparusahan, sapagkat ito ay nangangailangan ng katiyakan ng pag-singil sa totoong naging sanhi ng krimen” .