Inilathala kamakailan ang dalawang public announcements o bando para sa selection ng mga kabataan, kabilang ang mga “regular na naninirahan sa Italya”. Samantala, nananatiling hindi makakasali sa Corpi Civili di Pace ang mga imigrante at kanilang mga anak.
Roma, Enero 3, 2017 – Maging kapaki-pakinabang para sa Italya at sa kapwa ng kumikita. Ito ang oportunidad na ibinibigay sa higit sa isang libong mga kabataan na may edad mula 18 hanggang 28 anyos ng dalawang public announcement ng Servizio Civile Nazionale na inilathala kamakailan. Maaaring lumahok ang mga mamamayang Italyano, Europeans at mga non-Europeans sa pagiging ‘regular na paninirahan’ sa bansa at samakatwid ay makakalahok ang mga imigrante at ang kanilang mga anak.
Sa isang bando, ang higit na malaki, ay nasasaad ang selection ng 1050 volunteers, at ang karamihan sa mga ito ay para sa proyektong pinondohan ng Ministry of Cultural Heritage and Tourism. Samantala sa isang bando naman ay may selection ng 110 volunteers para sa Garanzia Giovani, kung saan obligadong mag-register upang makalahok.
Ang mga volunteers ay magta-trabaho ng 12 buwan sa mga sisimulang proyekto sa buong bansa at sila ay makakatanggap ng buwanang allowance ng 433,80 euros. Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang alas 2 ng tanghali ng Pebrero 10, 2017. Sa website ng Servizio civile ay matatagpuan ang mga bandi, ang forms at ang mga projects.
Ang ikatlong bando, na magkakaroon ng selection ng 106 volunteers ay nakalaan naman sa Corpi Civili di Pace, sa Italya at sa ibang bansa ngunit ito ay esklusibong nakalaan lamang para sa mga Italians. Isang requirement na hindi isinaalang-alang ang naging ng hatol ng hukom at ng Constitutional Court, pati na rin ng Civil Service Reform.