in

Senado, pabor sa mga bagong regulasyon

Narito ang mga pagbabagong hatid ng batas ng simplification sa pamumuhay ng mga imigrante, para sa mga seasonal workers, hiring at mga sertipikasyon.

altRoma Abril 2, 2012 – Inaprubahan noong nakaraang Huwebes, ika 28 ng Marso  ng Senado ang pagiging ganap na batas ng bill of simplification. Ang teksto na magbabago ng ilang patakaran sa imigrasyon, ibabalik sa Kamara para sa ganap na pagpapatupad ng mga ito.

Ang pangunahing mga pagbabago, na ipinatutupad na sa kasalukuyan, ay ukol sa mga seasonal workers. Ito ay nagpapakita na ang kawalan ng kasagutan sa mga aplikasyon ng hiring ng mga workers na nasa Italya na ng mga nakaraang taon, ay magpapabilis ng kanilang pagbabalik sa Italya. Bukod dito, pagkatapos ng isang kontrata, ay maaaring pirmahan ulit ng panibago at i-renew ang permit to stay ng nananatili sa bansa hanggang sa maximum period ng siyam na buwan.

Ang batas ay nagbibigay kumpirmasyon din ng hindi na pagpapadala sa koreo ng tinatawag na modulo q ng contratto di soggiorno sa mga Sportello Unico per l’Immigrazione ng mga bagong hired na dayuhan. Sapat nang sagutan ng kumpleto ang comunicazione di assunzione obbligatoria, kasama ang partikular na form para sa mga dayuhang manggagawa.

Samantala ang inilahad na probisyon sa proseso sa paggamit ng self-certification sa mga pamamaraan na may kaugnayan sa imigrasyon, tulad ng sa mga aplikasyon sa renewal ng permit to stay. Ito ay ipatutupad simula 2013, at sa ngayon ang mga Questure at Prefecture ay magsisimulang magbukas ng kanilang mga network sa ibang tanggapan ng Public administration para sa mas mabilis na palitan ng mga data o impormasyon sa pagsusuri ng mga ito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga pagbabago sa validity ng mga permit to stay

22,5 billion euros mula sa trabahong di deklarado ng mga imigrante