Ang mga volunteers ng Sevizio Civile, pinili at tinuruan upang magbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa integration agreement o accordo di integrazione.
Roma, Pebrero 15, 2016 – Hindi lamang impormasyon ukol sa citizenship, pati na rin impormasyon ukol sa integration agreement ang ibinibigay ng mga kabataan ng Sevizio Civile na katuwang ng Ministry of Interior para sa integrasyon ng mga imigrante na kadarating lamang sa Italya. At upang tuluyang manatili sa bansa ay kailangang magsumikap at makamit ang mga layunin ng integration agreement simula sa pag-aaral ng wikang italyano.
Apatnapungpitong (47) mga boluntaryo ang nagsimula nitong buwan ng Pebrero sa labing-isang mga Sportelli unici per l’Immigrazione: Brescia, Bologna, Genova, Latina, Milano, Modena, Napoli, Padova, Reggio Emilia, Roma, Torino, Treviso, Varese, Verona e Vicenza.
Mga kabataang pinili sa pamamagitan ng proyektong “L’accordo di integrazione:un impegno reciproco”ng Servizio Civile Nazionale na pinondohan ng Department of Civil Liberty and Immigration.
Ito ay tumutukoy sa isang mahalagang tulong lalong higit sa mga tanggapan kung saan may kakulangan sa mga operators na humaharap sa patuloy na pagdami ng mga imigrante at dokumentasyon ng mga ito.
Ang mga volunteers ay sasalubungin at tatanggapin ang mga imigrante na pipirma sa accordo d‘integrazione. Magbibigay ng mahahalagang impormasyon at ipapaliwanag ang mga ito, tulad ng mga karapatan at tungkulin sa pagtanggap ng serbisyong panlipunan, kalusugan, pang-edukasyon o kultural. Tutulong din upang mapadali at maging magaan ang komunikasyon sa mga operatos ng Sportello Unico at mag-uulat ng anumang kakulangan sa bawat partes.
Halos apat na taon na ang nakalipas ng simulang ipatupad ang integration agreement. Hanggang sa kasalukuyan ay mayroong 240,000 mga imigrante ang sumailalim sa nasabing kasunduan, karamihan ay sa Roma 11.5%, sinundan ng Milan, 11%, Turin 4%, Naples 4%, Florence, Bergamo at Brescia 3%.