in

Servizio Civile Nazionale nangangailangan ng 5500 mga kabataan, kahit dayuhan!

Inilathala kamakailan ang public announcement ng proyektong Garanzia Giovani, kung saan hindi mahalaga ang citizenship. Ang mga kabataang mapipili at magiging boluntaryo sa isang taon ay makakatanggap ng € 433.80 kada buwan. Aplikasyon hanggang Dec 15!

Roma, Disyembre 1, 2014 – Kabilang ang mga banyagang kabataan sa magiging 5504 boluntaryo ng Servizio Civile Nazionale na lalahok sa proyekto ng Regione sa ilalim ng proyektong Garanzia Giovani.

Ayon sa bando na inilathala noong Nobyembre 14, hindi mahalaga anuman ang citizenship ng mga kabataan. Ang mahalaga ay regular na residente sa Italya at may edad mula 18 hanggang 28, walang trabaho at hindi naka-enrolled sa anumang kurso. Ngunit higit sa lahat ay nakatala online sa programa ng Garanzia Giovani.

Ang mga volunteers ay kinakailangan sa sampung rehiyon: Abruzzo, Basilicata, Campania, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Piedmont, Puglia, Sardinia, Sicily at Umbria,  sa loob ng isang taon at may tatanggap ng 433.80 € bawat buwan.

Sa bawat bando o public announcement ay makikita ang mga proyekto at ang bilang ng kinakailangang boluntaryo. Ang aplikasyon ay maaaring direktang isumite sa mga institusyon na nagpo-promote ng proyekto hanggang alas 14.00 sa Disyembre 15.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

November 25 – International Day for the Elimination of Violence against Women

Mga imigrante makakaboto na sa referendum sa Milan