Kinumpirma ni Prime Minister Renzi ang pagiging hindi kabilang ng mga kabataang dayuhan sa civil service o servizio civile. “Ngunit haharapin natin ang reporma ng batas sa citizenship”. Borrelli (FSCN): “Unhistorical at maaaring maging sanhi ng maraming reklamo”.
Roma – Hulyo 18, 2014 – “Desisyon namin na hindi ibilang sa servizio civile universale ang mga hindi italian citizen”.
Maaaring nadismaya ang ikalawang henerasyon kay Matteo Renzi, ayon sa mga senador at deputies ng PD. Dahil kasabay nito ay hindi rin niya sinunod ang nilalaman ng gabay sa reporma ng Ikatlong Sektor na inilabas ng kanyang gobyerno nitong Mayo. Pati na rin ang pahayag mula sa kanyang tanggapan isang linggo na ang nakakalipas, matapos ang aprubahan ang draft ng batas (disegno di legge delega).
Ang Presidente ng Konseho, ayon sa mga ulat ng ahensiya ng Social Editor, ay sinabing alam niya na “magiging kontrobersyal ito”. Ngunit ipinaliwanag na ang desisyon ay dahil ang servizio civile universale ay “isang pagkakataon ng paglilingkod sa bayan.”
"Sa aking palagay – dagdag pa nito – ay tamang panahon na upang pagtuunan ang tema ng citizenship at tulad ng napagkasunduan ito ay aming ilalagay bilang karapatan sa mga haharaping tema matapos na maaprubahan sa first reading sa constitutional reform. Gayunpaman – bigay-diin ni Renzi, kung ang universal civil service ay isang paglilingkod sa bayan, ito ay hindi maaaring ipagkatiwala sa mga hindi italian citizen”.
Ang mga salita ng Renzi ay ikinagulat din ng ilan tulad ng Labor Undersecretary Luigi Bobba na inaasahan ang pagbubukas maging sa mga kabataang dayuhan: “Ako ay nagulat. Sa ngayon ay aming pinag-aaralan kung paano ito isasalin sa draft ng reporma sa Third Sector na kasalukuyang aming tinatapos upang ilahad ang pinal na bersyon sa mga susunod na araw. "
“Ito ay isang pagpigil sa kasaysayan ng kultura” ayon kay Enrico Maria Borrolli, ang Presidente ng Civil Service National Forum. “Ang civil service ay isang pagkakataon upang maging bahagi ng social life ng ating bansa – paliwanag nito – makakatulong upang maging madali ang social at cultural integration ng mga future italians, kasabay ang pagbibigay ng oportunidad sa paglago maging ng mga kabataang italyano na kanilang makakasalamuha sa karanasang ito ng multicultural environment”.
"Ito ay hindi tumutugon – ayon sa presidente ng FNSC – sa nasasaad sa artikulo 52 ng universal civil service: ang ipagtanggol ang bayan sa kasalukuyan ay nangangahulugan ng pakikiisa sa mga aktibidad ng pagtulong para sa komunidad. Ang ipagkait ang karapatang ito sa mga kabataang dayuhan na nagnanais nito ay nangngahulugan ng hindi pagtanggap sa social changes na nagaganap sa ating bansa”.
Samantala, pinaboran naman ni Borrelli ang panawagang muling pag-aralan ang mga patakaran sa pagiging ganap na italyano. “Kung ang batas sa citizenship at ang reporma sa civil service ay hindi magkasabay na pagtutuunan ng pansin, ay maaaring maging sanhi ng maraming mga reklamo”.