Regular bang residente sa Italya? May edad sa pagitan ng 18 hanggang 28 anyos? Malaking pagkakataon ang naghihintay sa mga kabataang Pilipino na maging bahagi ng Servizio Civile.
Roma, June 22, 2016 – Inilathala ang Bando 2016 ng Youth Department and National Civil Service para sa pagpili ng mga nais maging boluntaryo ng Servizio Civile.
May kabuuang 35,000 ang mga bolountaryo kabataan, may edad 18 hanggang 28 anyos, ang hinahanap ng maraming proyekto ng Servizio Civile Nazionale.
Nasasaad ang 30 oras ng serbisyo sa isang linggo sa loob ng isang taon kung saan makakatanggap ng 433,80 euros monthly ang mga kabataan anuman ang nasyunalidad, ngunit mahalagang regular na residente sa bansa.
Partikular, mahalagang pagkakataon para sa mga kabataan kung saan tatlong (3) mga proyekto, partikular 43 sa North, 50 sa Central Italy at 50 rin sa South, ang kailangang boluntaryo ng AIMaC o Associazione Italiana Malati di Cancro, upang maging bahagi ng proyektong Informacancro, sa pakikipagtulungan ng FAVO o Federazione Italiana delle Associazione di Volontariato in Oncologia.
Ang mga kabataang boluntaryo ay maaring magsumite ng aplikasyon upang maging bahagi ng proyekto at makalahok sa orientation and information service sa National Helpline sa Roma o sa mga Punti di Accoglienza ed Informazione sa mga pangunahing ospital sa bansa.
Maaaring mag-aplay ang lahat ng interesado, kahit dalhin ng personal ang aplikasyon, hanggang alas 2 ng hapon sa June 30 at ipinapayong basahing mabuti ang mga lakip na dokumento.
Para sa mga proyekto at aplikasyon ng lahat ng proyekto, sumangguni sa website ng Youth Department and National Civil Service. Samantala, para sa partikular na proyektong nabanggit sa itaas, mangyaring sumangguni lamang sa www.favo.it o tumawag sa numero 06/4825107.