Simula alas 8 ng umaga bukas ay maaari nang mag-fill up ng mga aplikasyon, maaaring sa tulong din ng mga patronato at mga asosasyon. Sa Dec 7 naman ipapadala ang mga ito online.
Roma, Dis 3, 2012 – Simula alas 8 ng umaga bukas, Martes Dec 4, ay maaari nang mag-fill up ng mga aplikasyon ng 13,850 quotas ng huling decreto flussi. Mayroong 2,000 new entries para sa mga self-employed, 100 new entries para sa mga Southamericans na buhat sa lahing Italyano at halos 12,000 conversion ng mga permit to stay
Lahat ay gagawin din online, sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Kailangan muna mag-register at mag-log in gamit ang email add at ang password, i-fill up ang form batay sa uri ng aplikasyong kailangan:
Form A-DOM at B-SUB para sa mga Italian origins na residente sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil.
Form V A conversion ng mga permit to stay mula sa pag-aaral, internship, vocational course sa permit to stay para sa subordinate job
Form V B conversion ng mga permit to stay mula sa seasonal job sa subordinate job
Form Z conversion ng mga permit to stay mula sa pag-aaral, internship, vocational course sa self-employment
Form LS conversion mula sa mga EC long term residence permit released ng ibang bansa ng EU sa permit to stay para sa subordinate job
Form LS2 conversion mula sa mga EC long term residence permit released ng ibang bansa ng EU sa permit to stay para sa self-employment
Form LS1 request ng working permit (nulla osta) sa domestic job ng mga dayuhang mayroong EC long term residence permit released ng ibang bansa ng EU.
Matapos i-fill up ang mga form, ay dapat itong i-save. Hintayin ang alas 9 ng umaga ng Dec 7 upang ito ay ipadala online.
Maaaring magtungo sa mga asosasyon at patronati para sa pag-fill up at pagpapadala ng aplikasyon. Tandaan lamang na kung maraming aplikasyon ang manggagaling mula sa mga tanggapang nabanggit ay makikipagsapalaran sa first come first serve basis na maaaring maging sanhi ng pagkahuli ng aplikasyon sa nakatakdang bilang.