in

Social card, aprubado sa Senado

Ibinibigay ng Legge di Stabilità ang tulong sa mga EU at non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno. 20 million euros para sa Lampedusa.

Rome – Nobyembre 28, 2013 – Nakalusot ang panukala ng stabilità 2014 ukol sa pagbibigay rin ng social card o carta acquisti para sa mga imigrante. Isang hakbang na tinataglay sa malaking susog na isinulong ng gobyerno noong nakaraang gabi sa Senado, sa kabila ng pagpapahirap ng Forza Italia sa oposisyon.

Sa talata 138 ay nasasaad, sa katunayan, na ang social card, bukod sa mga Italians ay para rin sa mga EU nationals o mga kamag-anak ng mga italian citizens at mga EU nationals na sa kabila na walang italian citizenship ay mayroong carta di soggiorno at mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno.

Ang social card ay tila isang prepaid credit card, kung saan ang Estado ay maglalagay ng 80 euros kada 2 buwan na magagamit upang ibili ng pagkain o mga gamot o upang ibayad ng gas at ilaw. Ibinibigay sa mga mas bata sa 3 taong gulang (nakapangalan sa magulang) o sa mga senior citizens, mula 65 anyos na higit na nangangailangan. Sa parehong kaso, sa katunayan, kabilang sa mga requirements ang tinatawag na ISEE na mas mababa sa 6,700 euros yearly.

Sa inaprubahang teksto kamakailan sa Senado, ay mayroon ding kompensasyon sa mga danyos sa Lampedusa dahil sa maging pagdagsa ng mga refugees at mga imigrante. Sa katunayan ay naglaan ng 20 million euros sa Munisipalidad upang mapabuti ang water supply, redevelopment ng lungsod at ang mapatatag at gawing moderno ang mga paaralan”.

Ganap na ipagtitibay ng Chamber of Deputies ang panukala. Ang huling hakbang kung saan ang bilang ng majority ay inaasahang hindi magiging hadlang upang maging ganap ang pagbibigay ng tulong sa mga nabanggit sa itaas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

International Domestic Workers Network, binuo upang magkaisa ang mga kasambahay sa buong mundo

5,560 nasawi sa Yolanda