Isang Moroccan citizen kasama ang Asgi, Cgil at coop.Ruah naghabla ng diskriminasyon sa hukuman ng Bergamo. Bukod sa pagbibigay ng benepisyo tulad ng kinikilala ng batas, ay humingi ng angkop na kampanya upang bigyang impormasyon ang mga dayuhan at bawasan ang pinsalang hatid hanggang sa ngayon.
Rome – Marso 12, 2014 –Lumalalang kawalan ng katarungan sa araw araw na lumilipas.
Ang batas ay nagsasabing maging ang mga imigrante ay may karapatan sa “social card” (o carta d’acquisti), isang uri ng prepaid card na estado ang maglalagay ng 80 euros tuwing ikalawang buwan upang magamit sa pagbili ng pagkain at gamot o sa pagbabayad ng bills para sa mga senior citizens (65 anyos) o mga bata hanggang 3 taong gulang na may mababang sahod. Ang mga tanggapang publiko na dapat sanay nagbibigay ng card na ito ay hindi kumikilos, nagbibigay ng maling impormasyon at hindi pinahihintulutan ang mga imigrante sa pagsusumite ng aplikasyon.
Ang kaganapang ito ay sinusubaybayan ng Ako ay Pilipino, kung saan maidadagdag ang isang mahalagang kaganapan. Ilang araw na ang nakakalipas, isang Moroccan citizen, kasama ang Cgil, Asgi at coop Ruah, ay naghabla sa katunayan sa hukuman ng Bergamo laban sa diskriminasyon, upang pahalagahan ang kanyang karapatan at ng lahat ng mga imigrante.
Rachida T., isang carta di soggiorno holder, may 4 na anak at mayroong sahod tulad ng hinihingi sa pag-aaplay ng social card. Ngunit ng isumite ang aplikasyon sa post office ng Albano Sant’Alessandro, isang maliit na siyudad sa Bergamo kung saan residente, ay hindi man lamang nai-rehistro. Ang software ng Poste Italiane sa Bergamo ay tinatanggap lamang bilang code ng citizenship ang I, IT o ITA at ang empleyado ng post office ay sinabing ang mga Italians lamang ang maaaring magsumite ng aplikasyon.
Ang salitang “para sa mga Italians lamang”, ay naging wasto maging para sa website ng Poste Italiane, ng Ministry of Economy and Finance, Ministry of Labor at ng Inps. Ang huling nabanggit, sa katunayan, ay mayroong updated page kung saan mababasa ang pagbibigay ng social card maging sa mga dayuhan, ngunit naghihintay pa rin ng implementing rules.
Hindi huminto si Rachida at sa tulong ng 3 asosasyon ay lumapit sa hukuman. Ang kaso, sa pamamagitan ni abogado Alberto Guariso at Marta Lavanna ng Asgi, ay nagsasaad hindi lamang ng diskriminasyon na naranasan ni Rachida (na hindi nakapagsumite ng aplikasyon dahil isang dayuhan) bagkus ay collective discrimination na naka-apekto sa lahat ng mga imigrante na kawlipikado upang makatanggap ng nasabing card.
Sa mga tinanggihan ay maisasama rin ang mga hindi nakapag-aplay dahil sa maling impormasyon ng Inps, Poste Italiane at mga Ministries. Ngunit dahil ang karapatan ay nagsisimula sa pagsusumite ng aplikasyon, marami ang hindi makatwirang nawalan ng karapatang matanggap ang benepisyo buhat sa estado, na ayon sa batas, ay dapat sana’y nakatanggap ng tulong pinansyal simula Enero 2014.
Nilalaman ng kaso ay ang pagbibigay ng social card kay Rachida. At suriin ang naging pag-uugali ng Inps, ng Ministries at ng Poste Italiane at ang obligahan ang huling nabanggit na i-update ang mga impormasyon at maging ang software upang matanggap ng aplikasyon mula sa mga dayuhan at ang maglunsad ng mga kampanya na magbibigay impormasyon sa mga dayuhan at ang bawasan ang mga pinsalang inihatid ng maling impormasyon hanggang sa kasalukuyan.
Sa kasamaang-palad, mahabang panahon ang kinakailangan upang malaman ang resulta ng paghahabla. Ang hearing ay nakatakda sa May 28. Makasunod kaya sa batas ang Inps, Poste at Ministries, bago pa man lumabas ang hatol ng hukom?