in

Socially useful employment at internships, nakalaan para sa mga asylum seekers

Nais ni Minniti na itaguyod ang integrasyon kasabay ng layuning mapabilis ang deportasyon.

 

 

Enero 16, 2017 – Mayroong nakalaang socially useful employment at internships sa ilang kumpanya para sa mga asylum seeker na nasasaad sa plan of action na ilalahad bukas sa Parliament ni Interior Minister Marco Minniti.

Ang ganitong uri ng solusyon (experimental) sa katunayan ay mayroon na, ngunit sa hinaharap, ayon sa mga inilathala ng Corriere della Sera, ang lahat ng mga asylum seekers ay maaari umanong maka-access sa mga socially useful employment. At ayon pa sa nabanggit na pahayagan “magiging isa ito sa mga requirement upang magkaroon ng refugee status”.

Upang mapadali ang professional integration ay magkakaroon ng agreement for internship sa ilang mga kumpanya ang mga asylum seekers na tapos at mayroong diploma at specialization. Isang obligasyong kinuha ng Confindustria, na sa ngayon ay dapat kumpirmahin ng bawat kumpanya.

Bukod dito, isang bagong patakaran ang inaasahan na inanunsyo na ng ilang beses ni Justice Minister Orlando. Ito ay ang magtatanggal ng isang antas sa proseso ng pagkilala sa karapatan: walang apila matapos ang pagtanggi ng hukuman, at mananatili na lamang ang posibilidad ng pagrereklamo sa Court of Cassation.

Samantala, sa mga bagong CIE (Identification and Expulsion Center), nais ni Minitti na muling ibalik sa operasyon ang nasa Roma, Torino, Crotone at Caltanissetta at magdagdga pa ng ilan, ngunit mas mababang bilang ang nilalaman (100) halos sa lahat ng Rehiyon. Inaasahan rin ang pagkakaroon sa bawat sentro ng guarantor of rights ng mga nananatili dito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy sa Roma nakiisa sa World Day for Migrants and Refugees

Italy Miss Universe Candidate Sofia Sergio, nahilo sa Governor’s Ball