in

Statistical Dossier on Immigration 2012 – 5 milyong regular na imigrante, patuloy ang pagdami

Noong nakaraang taon, 260,000 ang mga nawalan ng kanilang permit to stay. Mula sa ika-22 ulat ng Caritas at Migrantes.

Roma – Nob 5, 2012 – Sa pagtatapos ng 2011, ang regular na mga imigrante sa Italya ay 5,011,000, ang 8, 2% ng populasyon, higit ng 43,000 noong 2010. Ito ay ayon Statistical Dossier on Immigration 2012 ng Caritas at Migrantes, inilabas sa Roma kamakailan (Narito ang buod).

Ang slogan ngayong taong ito ng Dossier ay “hindi sila numero” (non sono numeri), bilang isang panghihikayat na gawing sentro ng mga pagsusuri ang dignidad ng mga imigrante. Tulad ng sinabi ng coordinator ng Dossier na si Franco Pittau “ang bilang ay mahalaga upang malaman ang lawak ng migrasyon at ang methodological intuition bilang base ng panibagong pananaw ukol sa imigrasyon”.

Tulad ng mga nakaraang taon, nangunguna sa listahan ang bansang Romanians (997,000). Sinusundan ng Moroccans (506,000), Albanians (491,000), Chinese (278,000) at Ukrainians (223,000). Matatagpuan sa Hilagang Italya ang karamihan ng mga imigrante (63%), sa Centre (23.8%) at 12.8% lamang sa South at sa mga isla.

Noong 2011, tulad ng ilang taon na, ay nakita natin ang pagdami ng mga dayuhan, kahit pa naging mababa tulad sa nakaraan. Habang nagbibigay ng 231,000 entry visa sa ibang bansa upang makapasok sa Italya, ay na-expired at hindi naman nai-renew ang 263,000 mga permit to stay, na nagtanggal ng karapatan ng pananatili sa Italya ng mga ex-holders nito. Bilang resulta, ayon sa Dossier, ay hindi nakabalisa kung sakaling hindi naaprubahan ang pahintulot na manatili sa Italya hanggang 12 buwan sa pagkawala ng trabaho.  

Gayunpaman, ang ulat ng Dossier ay mas mataas kumpara sa 15th Census (kung saan 3,800,000 mga dayuhan ang sumagot). “Marahil ang Census ay hindi nakarating sa lahat ng mga imigrante, tulad noong 2001, dahil sa pangangampanya sa eleksyon na tila nagbigay ng impresyon ng galit laba sa kanila”, paliwanag pa ni Pittau.  

Ang mga naghahanap-buhay na dayuhan ay halos 2,5 million, halos 10% ng kabuuan. Mga nagta-trabaho hindi lamang sa service to person sector, construction, agriculture kundi mula seamen hanggang sa sports. Matatag rin ang bilang ng mga kumpanya, tumaas ng 21,000 at umabot sa 249,000. Ang krisis, gayunpaman, ay nagparamdam din sa pamamagitan ng pagdami ng mga nawalan ng trabaho (310,000), ang pagbaba ng employment rate (62.3), isang mas mahirap na kundisyon ng pamumuhay hanggang sa pagkawala ng permit to stay.

Ang pagdami ng mga EC long term residence permit o ng carta di soggiorno holder (52.1% ng kabuuan) ay naglalarawan ng mas matatag na integrasyon, na makukumpirma matapos ang kasalukuyang krisis dahil sa pangangailangan sa trabaho at populasyon ng bansa (ang mga ipinanganak na parehong imigrante ang mga magulang) ay tinatayang aabot sa halos 80,000 ng 2011, 1/7 ng kabuuang bilang, at huwag kalilimutang ang mga imigrante ay tumutulong sa pamilyang naiwan sa sariling bansa sa pamamagitan ng mga remittances (7.4 billion noong 2011). Ayon sa Dossier ang mga imigrante ay malaki ang kontribusyon maging sa kaban ng bansang Italya, at tinatayang halos 1,7 billion euros.

Ito ay naglalarawan ng isang grupo ng mga ilaw at mga anino maging sa mga humihingi ng asylum at humanitarian protection. Noong 2011, higit sa 60,000 ang mga dumating buhat sa North Africa, ngunit hindi lahat ay nagkaroon ng pagkakataong masakop ng mga panuntunan ng integrasyon at ang mga pahintulot sa kasunduan noong 2011 ay naghihintay pa rin ng renewal.

Gayunpaman, tulad ng mababasa sa Dossier, ang imigrasyon ay patuloy sa paglago. Ayon sa mga expectations ukol sa magiging populasyon ng bansa (average case scenario) sa 2065 ang kabuuang populasyon (61,3 million residents) ay resulta ng pagbaba sa populasyon ng mga Italians sa 11,5 million (28.5 million birthrate at 40 million death rate) at isang positibong migrasyon buhat  sa ibang bansa ng 12 million (17.9 million na entries laban sa 5,9 million na lalabas ng bansa): sa bagong scenario na ito ng populasyon, ang mga dayuhan ay magiging higit sa 14 million.  

Ayon sa Caritas at Migrantes, ang socio-demographic frame na ito ay nagbibigay halaga sa ilang mga inisyatiba. Ito ay ang regularization ng sinumang mayroong trabaho, ang pagpapagaan sa proseso ng mga dokumentasyon tulad ng permit to stay at ang pagbaba ng halaga nito, ang pagiging matatag sa pananatili sa bansa, pagpapadali sa proseso ng citizenship kahit man lamang sa mga ipinanganak sa Italya, posibilidad makatanggap ng ilang serbisyo ng hindi maghihintay sa carta di soggiorno, ang pagpapalawak sa  partesipasyon at ang mapagtagumpayan ang diskriminasyon sa lahat ng sektor.

Riferendosi allo slogan ispirato alle parole riferite agli immigrati da Papa Benedetto XVI (“non sono numeri” bensì persone “che cercano un luogo dove vivere in pace”), il presidente della Fondazione Migrantes, S. E. mons. Paolo Schiavon esorta a parlare in positivo dell’immigrazione, raccomandando ai decisori pubblici di promuovere una politica migratoria sempre più efficace, in particolare attraverso la semplificazione della normativa e la stabilizzazione del soggiorno.

Bilang pagbibigay halaga sa slogan buhat kay Pope Benedcit XVI para sa mga imigrante (“non sono numeri” bensì persone “che cercano un luogo dove vivere in pace) – hindi sila numero ngunit mga tao na naghahanap ng lugar kung saan mamumuhay ng payapa, ang presidente ng Migrantes Foundation na si Mons. Paolo Schiavon ay nanghihikayat na pag-usapan sa paraang positibo ang imigrasyon, at nagpapa-alala sa mga politiko ng promosyon ng isang politika sa migrasyon na mas epektibo, lalong higit sa pamamagitan ng pagpapagaan sa mga panuntunan at pagiging matatag ng mga permit to stay.  

 “Inaasahan ko na sa 2013, tinawag bilang “European Year of Citizens” at taon ng bagong lehislatura, ay muling subukan ang reporma ukol sa pagkamamayan. Bukod dito – dagdag pa ni Schiavon – inaasahan ko din na sa taon ng pananampalataya, ay bigyang atensyon ang relihiyon ng mga imigrante at ang pamumuhay sa pagitan ng iba’t ibang relihiyon.

Caritas e Migrantes. Dossier Statistico Immigrazione 2012. Scheda di sintesi

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buwis at sahod, gagawan ng self-certification

Carta di soggiorno sa pamamagitan ng gay marriage, bagong kaso sa Treviso