in

Stop racial discrimination in employment, rekomendasyon mula European Council

Ang ECRI ay humiling sa pamahalaan ng mas epektibong paraan, proteksyon sa mga biktima at mga insentibo para sa mga karapat-dapat na kumpanya. "Dahil ang proteksyon sa diversity ay isang bentahe para sa lahat"

Roma – Oktubre 11, 2012 – Ang mga bansa sa Europa ay higit na kumilos upang labanan ang racism at ang descrimination sa trabaho. Isang hangaring pabor sa mga manggagawa, ngunit maging sa kumpanya at sa lipunan din, dahil ang pagkakaiba ay isang yaman.

Tulad ng mababasa sa GENERAL POLICY RECOMMENDATION ON COMBATING RACISM AND RACIAL DISCRIMINATION IN EMPLOYMENTna inilathala kamakailan ng European Commission against racism and intolerance ng European council (Ecri), isang kinatawan na binubuo ng mga eksperto na sumusubaybay at kung kinakailangan, ang pagtawag-pansin sa member state para sa anumang kaukulang kilos.

Ayon sa Ecri, sa Europa ay mayroong pa rin mga pag-molestiya, pambibiktima (paglaban sa sinumang kumikilos para sa equal treatment) at pag-iisangtabi, at ilang mga manggagawag nagdudusa ng multiple discrimination sa iba't ibang mga kadahilanan, gaya ng lahi, kasarian at relihiyon. Ang pamahalaan ay dapat maglunsad ng mga kilos sa buong bansa upang mai-promote ang pagkakapantay-pantay at maiwasan ang diskriminasyon sa trabaho, sa parehong publiko at pribadong sektor.
Ang rekomendasyon ay magtutulak din sa pamahalaan sa pagpapatibay at pagpapatupad ng mga batas na nagbibigay ng epektibong proteksyon laban sa direct at indirect discrimination. Ang mga workers na nag-rereport ng racism o racial discrimination ay dapat din na protektado mula sa mga layoffs at iba pang mga paraan ng paghihiganti. Dapat din na hinihikayat, ang mga karapat-dapat na kumpanya, tulad ng mga mayroong mataas na buwis at kontribusyon dahil sa pagkakaroon ng multi- ethnic manpower, pondo para sa formation, premyo at mga certificates.

"Ang promotion ng non-discrimination ay isang mahusay na instrumento sa marketing para sa mga kumpanya, habang ang isang masamang reputasyon ng mga ito ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang kita" ayon sa Ecri. "Tanggalin ang racial discrimination at tiyakin ang equal access sa trabaho at sa mga propesyon ay maaaring lumikha ng lakas sa malawak na workforce na nagbibigay ng reservoir ng unlimited talent. Isang inclusive work ambiance na nagsusulong sa diversity bilang bentahe ng mga employer, ng mga worker at ng lipunan”.

ECRI GENERAL POLICY RECOMMENDATION NO. 14 ON COMBATING RACISM AND RACIAL DISCRIMINATION IN EMPLOYMENT

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Employers magmadali, pagkatapos ng sanatoria ang pamahalaan ay maghihigpit” – Riccardi

GMA, inilipat sa ICU