in

Stop sa mas mataas na halaga ng car insurance ng mga imigarnte

Stop sa mas mataas na halaga ng car insurance para sa mga imigrante. Hindi makatarungan at labag sa batas”. Ito ang opinion ng Brussels matapos ang follw-up ng Asgi.

altRoma, Mayo 28, 2012 –  Ang pagiging driver ay napag-aaralan. Ang kakayahan at pag-iingat sa manubela ay risulta ng karanasan, at  walang kinalaman ang nasyonalidad, kaya’t ang bigyan ang mga imigrante ng mas mataas na halaga sa car insurance kumpara sa mga Italyano ay hindi makatarungan.

Ito ang opinyon ng European Commission, na hiniling ng Association of Legal Studies in Immigration ukol sa naging batayan ng maraming insurance company sa mga kliyenteng imigrante.

Ang mga asosasyong Asgi at ang Avvocati per Niente, matapos ang mga naging kasunduan sa pamamagitan ng mga apila laban sa discriminasyon, ang mga kumpanya ng Genialloyd, Zurich, Zuritel spa at Quixa ay humakbang pabalik. Ngunit dahil naging malawak na ang naging pamamaraan, ang asosasyon ay natuluyang lumapit sa Brussels. Si Karel van Hulle, ang Head Director of Insurance at Pensions Unit ng Mercato Interno e dei Servizi-Istituzioni finanziarie, ay sumagot na ang naging pamamaraan ay salungat sa EU.

Ang kriterio ng citizenship para sa kalkulasyon ng amount ng mga car insurance, ayon sa sulat ni van Hulle, “ay maaaring magdulot ng limitasyon sa kalayaan ng paggamit sa naturang serbisyo na tila hindi maaaring isawalang bahala, dahil ang citizenship, (di tulad ng karanasan sa pagmamaneho), ay  hindi maaaring maka-apekto sa kapasidad ng pagmamaneho at hindi, samakatwid, isang pamantayan sa kalkulasyon ng halaga ng bayarin sa car insurance.

Samakatuwid, ayon sa European Commission, ang nasabing ‘limitasyon’ ay isang paglabag sa Artikulo. 56 ng Treaty on the functioning of the European Union, dahil “mula sa batas ng Court of Justice ang pangunahing kalayaan ng treaty ay dapat ia-aplay ayon sa prinsipyo, gayun din sa mga humahadlang sa kalayaang ito tulad ng mga limitasyong iginagawad ng public authority at ng ilang pribadong kinatawan”.  

Kung ang pagkakaiba sa mga rates o halaga ay makakaapekto sa mga EU nationals, tulad ng Romanians, ay isang paglabag sa Directive 2004/38/EC, na pinagtibay din ng bansang Italya, ukol sa kalayaan ng paglalakbay at paninirahan ng mga mamamayan ng bansang miyembro. Ito ay nagsasaad na ang mga mamamayan ng EU at mga miyembro ng kanilang mga pamilya ay tatanggap ng equal treatment sa application ng Treaty.

Bilang pagwawakas, ang European Commission ay binibigyang diin na ang prinsipyo ng pantay na pagkilala sa pagtanggap ng mga serbisyo para sa publiko, kasama ang insurance services, ay dapat ia-aplay din maging sa mga non-EU nationals na mayroong EU long term residence permit o ang kilalang ‘carta di soggiorno’, ay mayroong karapatan na kilalanin at ituring na tulad ng Italyano na mayroong pinanghahawakang ‘attestato di rischio storico’, kung car insurance ang pag-uusapan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilgrims Bible Baptist Church sa Roma, nagdiwang ng anibersaryo

Mga Munispyo, naghahanap sa mga imigranteng hindi tumugon sa Census