in

Stranieri in Italia: Walang Direct hire? Kailangan ang Regularization.

Luciano: “. Kung hindi pahihintulutan ang bagong mga entries o direct hire ay tinatanggal din ang iisang panlaban sa iligal na imigrasyon. Dapat bigyan ng permit to stay ang mga mayroong hanapbuhay”.

altRome – “Kung walang bagong Direct hire ay lalong higit na kailangan ng regularization”. Ganito ang naging sagot ni Gianluca Luciano, ang managing director ng Stranieri in Italia,  sa teorya na ang mga bagong entries ngayong taon ay hindi pinapayagang pumasok mula sa ibang bansa. Ang Immigration sector ng Ministry of Labour, na pinangunahan ni Natale Forlani, ay naniniwala na hindi na kailangang magpapasok ng mga manggagawa mula sa ibang bansa, dahil masyadong marami nang mga walang trabahong migrante sa Italya.

“Hindi maaaring sabihin ito ni Forlani, alam nating lahat na ang Direct hire ay hindi upang makapasok ang mga manggagawa mula sa ibang bansa, ito ay isang uri ng huwad na regularization. Walang sinuman ang kukuha ng manggagawa mula sa ibang bansa na hindi kilala, ngunit sasamantalahin ang pagkakataong ito upang magkaroon  sa wakas ng permit to stay at ng kontrata ang mga iligal na dayuhan na nasa Italya na, at nagtatrabaho ng hindi regular sa mga pamilya at mga pabrika”, paliwanag ni Luciano.

“Ang hindi pagpapapasok sa mga dayuhan – dagdag pa ni Luciano – ay nangangahulugan ng pagtatanggal din ng pamamaraan upang labanan ang iligal na migrasyon na patuloy na lumalago. Ang migrante na undocumented ay hindi bababa sa 500,000, kung sila ay magkakaroon ng pagkakataon upang bayaran ang kontribusyon at mga buwis ay maghahatid sa bansa ng 3 billion euros bawat taon. “

“Samakatuwid isang apila sa bagong gobyerno, sa mga Ministro para sa Integration, para sa Labour at para sa Interior – pagtatapos pa ng administrator ng Stranieri in Italia – harapin agad ang problema at bigyan ng permit to stay ang lahat ng mga migrante na mayroong trabaho “.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta Soggiorno: Paano magpa-schedule ng test?

ABS-CBN best TV station ulit!