Ito ang panahon para sa deklarasyon mga tax return para sa nakaraang taon. Extended ang deadline ng submission ng “form 730” hanggang June 20 upang ipabatid kung magkano ang kabuuang kinita at upang malaman kung magkano naman ang buwis na dapat bayaran.
Ang mga awtorisadong tanggapan tulad ng mga accountants (commercialists) at “Caf” o sentrong tumutulong sa pagkakalkula ng buwis ng ‘form 730’ ay walang hinihinging bayad para submission, ngunit ang pagpapa fill up nito ay maaaring bayaran hanggang 10 euro.
Para sa mga tax return ay pundamental ang CUD o ang certificate mula sa employer na nagpapahiwatig kung magkano ang buwis na ibinawas na mula sa suweldo. Mahalaga ring isama ang mga resibo, mga invoice at iba pang mga dokumento na nagpapakita ng mga gastos, tulad ng mga medical care, na magpapahintulot na makakuha ng diskuwento sa mga buwis.
Ang mga epekto ng mga tax return ay nadadama sa payroll ng Hulyo. Sa Sinumang nagbayad na higit kaysa sa buwis na dapat bayaran ay mare-refund samantala sa mga may utang naman ay kakaltasan sa sahod na mas magaan.