in

Submission ng mga aplikasyon, sinimulan na!

Hanggang 15 Oktubre 2012, ang mga employer ay maaaring ipadala ang mga aplikasyon para sa regularization ng mga non-EU nationals. Lahat ay gagawin online matapos bayaran ang kontribusyon ng 1,000 euros.

Roma, 17 Setyembre 2012 –Sinimulan na noong nakaraang Sabado, Sept. 15,  mula alas 8 ng umaga at magtatagal ito hanggang 12.00 ng hatinggabi sa Oktubre 15. Ang mga employer ay maaaring magsumite ng mga application para sa regularization ng mga non-EU nationals.

Lahat ay online sa pamamagitan ng website nullaostalavoro.interno.it, kung saan magpapa-register, magpi-fill up at ipapadala ng mga forms. Para sa regularization ng domestic jobs (colf, babysitters at caregivers) ay kailangang gamitin ang form EM-DOM, para nama sa ibang subordinate jobs, ang form EM-SUB. Ang Ministry ay naglaan din ng Area di supporto alla registrazione kung saan maaaring i-report ang anumang problema sa registration at pagsagot sa mga form online. Mayroon ding FAQ page upang bigyang sagot ang mga frequently asked questions ukol sa pagre-register at pagpasok sa sistema.

Isang hakbangang kinakailangang gawin bago ang pagsusumite ng application. Ito ay ang pagbabayad ng mga employer ng kontribusyon ng 1000 € para sa bawat manggagawa na gusting i-regularize. Dapat din itong bumili ng electronic stamp na nagkakahalaga ng € 14.62.

Kailangang tandaan, na hindi tulad ng Direct hire, ang regularization ay walang quota. Kung ang mga employer at mga worker ay mayroong sapat na requirements,tulad ng hinihingi ng batas, ay tatanggapin ito at samakatwid ay hindi kailangan ang magmadali at makipag-unahan.

Samantala, ayon pa rin sa Ministry of Interior, ay kanilang ipalalabas sa lalong madaling panahon ang opisyal na listahan ng mga dokumento na magpapatunay ng pananatili ng manggagawa sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Mga instruction buhat sa Inps

Umabot sa 4500 ang mga aplikasyon sa regularization