Tanggap ang multi-ethnic na sosyedad, sa kundisyong ang mga imigrante ay kailangang makibagay sa values ng Western na tumatanggap sa kanila.
Mayo 16, 2017 – Ito ay ayon sa mga hukom ng First Penal Section ng Supreme Court, sa sentensya 24084 kung saan kinukumpirma ang hatol sa isang Indian na dahil sa kanyang pananampalataya ay dala-dala sa kanyang sinturon ang kirpan.
Ang dayuhan ay hinatulang magbayad ng multa na nagkakahalaga ng 2,000 euros. Siya ay bahagi ng relihiyong Sikh, na naniniwalang ang Kirpan ay simbolo ng pananampalataya.
Binigyang-diin pa ng mga hukom na “walang relihiyon ang magpapahintulot sa pagdadala ng armas o anumang sandata na makakasakit” at ipinaliwanag na ang prinsipyong ito ay hindi nagbibigay ng limitasyon sa “kalayaan sa relihiyon”.
Bukod dito, “ang mga dayuhan ay maaari umanong mapanatili ang kanilang kultura, habang nirerespeto ang karapatang pantao at ang kultura ng host country” dagdag pa ng mga hukom.
Sa madaling salita, ang imigrante ay hindi lamang makikibagay sa values ng wertern world ngunit dapat ding suriin muna ang compatibility ng pag-uugali sa sistemang mayroon ang host country.