Lumalahok (kung may pagkakataon) sa usaping publiko, ang kanilang trabaho ay hindi tugma sa kanilang natapos, hirap matutunan ang language, ngunit sila ay masaya at optimists. Ito ang mga resulta sa survey na ginawa ng Immigrant Citizens Survey.
Roma – Mayo 11, 2012 – 70-80% ng mga imigrante sa Italya ay naghayag na handang bumoto at lumahok sa buhay politika at welfare ng bansa.
Ito ay isa sa mga naging resulta ng “Immigrant Citizens Survey (ICS) na inilunsad sa Brussels dalawang araw na ang nakakalipas, na isinasagawa sa pagitan ng Oktubre 2011 at Enero 2012 sa pitong European countries. Ang survey ay isinagawa sa Italya sa pamamagitan ng ISMU Foundation, na nag-interview sa 797 mga dayuhan (397 sa Milan, 400 sa Naples), sa pagitan ng 25 at 39 taong gulang, na hindi ipinanganak sa EU.
Narito ang pinakamahalagang impormasyon ng pagsusuri, ayon sa isang pahayag ng Ismu:
Trabaho
Habang sa kabilang bahagi ng Europa, higit sa kalahati ng mga imigranteng sinuri ay naghayag na nagta-trabaho sa mga pribadong kompanya, sa Naples ay iba ang naging resulta: higit sa kalahati ay naghayag na ang trabaho as domestic (sa Milan ay ang one fourth naman tulad Sa Madrid). Ang mga bansa kung saan mas mahirap na makahanap ng trabaho ay ang Portugal at Italya (mula 70- 80% ng mga respondents). Samantala ang Naples at Milan naman ay ang mga European cities kung saan ang mga imigrante ay overqualified kaysa sa trabaho na kanilang ginagawa (ang mga huling lugar ay ang Berlin, Stuttgart at Liege). Sa Italya ay napaka-dalang (mas mababa sa 10%, kumpara sa one-third o one-fourth sa ilang bahagi ng Europa) ang mga imigrante na opisyla na kinilala ang kanilang kwalipikasyon.
Wika
Ang 60-70% ng mga imigrante sa mga lungsod ng Italya, Portugal at France ay may problema sa pag-aaral ng lokal na wika. Ang pangunahing dahilan ay, tulad ng sa ibang bansa, ang kakulangan ng panahon sa 50% ng mga respondents sa Italya, at 32% naman ang kakulangan ng interes. Sa Milan, gayunpaman, ay higit sa 30% ng mga respondents ay nagsimula o nakakumpleto ng isang kurso sa wika o integrasyon (Naples 20% lamang), kumpara sa 45% ng Lyon at Paris.
Public at political paticipation
Ang karamihan ng mga respondents ay boboto kung maaari lamang. Sa Italya 70-80% ay handa ng bumoto. Ang pinakamataas na porsyento ng nag-iisip na kinakailangan ng mas maraming mga parliamentarians na may background sa imigrasyon ay ang Milan (halos 90%), sinundan ng Berlin at Naples. Sa Italya rin may pinakamataas na rate ng nais na lumahok sa public life, pagkatapos ang Belgium: sa Milan ang 14.6% ng mga respondents ay nagpatala sa union (kumpara sa 5.5% ng mga lokal na populasyon), sa Naples ay 3.2% ay nagsabing nabibilang sa partido (katumbas ng 3.7% ng kabuuan). Naples naman ang lungsod sa Europeo kung saan ang mga imigrante ay mas mataas na kaalaman (higit sa 80%) at pakikilahok (20%) sa mga organisasyon ng mga imigrante.
Family reunification
Sa Italya ang pangunahing dahilan kung bakit sumusuko sa family reunification ay ang kahirapan sa mga requirements. Sa Italya pa rin, higit sa kalahati ng mga imigrante ay nagsasabing ang mamuhay kasama ang pamilya ay nakakatulong sa mas aktibong pamumuhay sa komunidad.
Long-term residence permit
Pagkatapos ng anim na taong rehistrado bilang residente, higit sa 60% ng mga imigrante residente sa Milan (sa Naples mas mababa ng 40%) ay nakakuha ng long-term residence permit, katulad sa mga bansang Pransya, Alemanya, Espanya at Budapest. Ito ay nakatulong upang maramdaman ng mga imigrante ang mas matatag na paninirahan sa Italya (higit sa 75%).
Kuntento sa buhay
Ang mga imigrante nakapanayam, sa scale mula 0 hanggang 10, ay ipinahayag ang kanilang kasiyahan sa pang-araw-araw na buhay. Sa Italya, ang mga nakatira sa Milan ay nasisiyahan sa kanilang buhay tulad ng local na populasyon (6.5), sa Naples ay mas mababa sa 6. Sa Milan ay nagsabing nasisiyahan sa kanilang mga trabaho (higit sa 7) ang lokal na populasyon (mas mababa sa 7); at optimists sa kanilang kalusugan (halos 8).