in

Suspensyon ng Schengen, wala sa agenda ng European Commission

Wala sa agenda ng European Commission ang suspensyon ng Schengen. Samantala, bukod sa France, ang Denmark, Sweden, Germany at Austria ay simulang naglagay ng control sa mga borders.

 

Rome, Enero 22, 2016 – “Walang anumang programa ng suspensyon ng Schengen” sa agenda ng European Commission.

Itinanggi ni EU executive spokesperson Natasha Bertaud na ngayong araw na ito ay sunusuri sa Brussels ang bagong mekanismo ng pagsasara ng mga internal frontier. Tumutukoy ito sa plano ng dalawang taong suspensyon ng free circulation dahil na rin sa pagdagsa ng mga refugees at migrante na ibinalita ng Italian media.

Kaugnay nito, ipinagtanggol ng Italy at Germany ang prinsipyo ng free circulation. “Hindi mahihinto ang mga terorista kapag hininto ang Schengen. Ang ilang terorista ay ipinanganak sa ating mga lungsod, pinaghalong takot at kawalan ng kaalaman sa puntong ito”, ayon kay Matteo Renzi sa panayam sa Rtl 102.5 kaninang umaga.

Naniniwala ako – dagdag pa ni Renzi – na ito ay isang pagbabanta sa Europa. Sana ay hindi ito mangyari, ngunit ito ay hindi depende sa Italya. Ang nais ng Italya ay higit na dagdagan ang kontrol, ngunit hindi ang itigil ang kasunduan ng free circulation. Ngunit kung ito ay mangyayari, ay haharapin natin ang epekto nito”.

Isang mabigat na pagtanggi rin buhat kay German Finance Minister Wolfgang Schauble. “Kung ang sistema ng Schengen ay masisira, ang Europa ay tunay na nasa panganib, isang politikal at ekonomikal na pananaw”.

Samantala, humahaba ang listahan ng mga bansang muling naglagay ng control sa mga borders upang mahinto ang pagpasok ng mga irregulars. Ang France, na mabilis na kumilos matapos ang naging pag-atake sa Paris at dumagdag sa listahan noong mga nakaraang linggo ang Denmark, Sweden, Germany at Austria. Isang malinaw na mensahe lalong higit sa mga bansang tulad ng Italy at Greece kung saan hinihingi ang higit na pagkilatis sa mga bagong dating sa bansa upang mapabalik agad ang mga migrante na walang karapatan sa international protection.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Velcro straps, gagamitin sa deportasyon ng mga undocumented

Reporma ng citizenship, tatalakayin sa Senado bukas