in

Symbolical cittizenship, ipinagkaloob sa kabataan sa Pisa

Sertipiko sa 1200 kabataang dayuhang ipinanganak sa Italya mula sa Provincia di Pisa.

altPisa, Marso 6, 2012 – Labing-walong mga sertipiko ng symbolical Italian citizenship ang ipinagkaloob  kasama ang isang kopya ng Saligang-Batas sa mga kabataang dayuhang dito sa Italya ipinanganak at residente ng lalawigan ng Pisa.

Ito ang naging highlight ng seremonya na pangunahing sponsor ang Provinci di Pisa sa kampanyang “L’Italia sono anch’io” na nagbuklod sa Council hall ng mga pamilyang dayuhan at tinanggap ng alkalde. Sa mga susunod na araw ay 1206 mga kabataang dayuhang ipinangank sa Italya ang makakatanggap ng katulad na sertipiko sa knailang mga tahanan.

”Ang layunin ng inisyatiba ng pagbibigay ng sertipiko – ayon pa sa Pangulo ng Lalawigan na si Andrea Pieroni – na wala anumang legal na halaga, gayunpaman, ay upang maging focus ng tema ang pagkamamamayan bilang isang elementong mahalaga para sa isang demokratikong bansa na naglalayong ipagkaloob sa mga mamamayan ng ganap ang kanilang mga karapatan.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang R.A. 9262 o Anti-violence against women and children act?

Integration agreement at point system ng mga permit to stay, sisimulan sa Sabado