in

Tagalog, ikatlo sa mga wikang ginagamit sa USA

Halos 62 milyon ng mga residente sa USA ang gumagamit ng ibang linguahe, ang linguahe ng mga imigrante. Ikatlo sa mga wikang ito ang Tagalog. Karamihan sa kanila ay ang ikalawa o ikatlong henerasyon.
 

Roma – Oktubre 7, 2014 – Ang Estados Unidos? Multi-ethnic, multicultural at ang hindi maiiwasan, polyglot. Sa ngayon tinatayang 20% ng populasyon ng mga Amerikano ang hindi nagsasalita ng Ingles sa loob ng kanilang tahanan, bagkus ay ang wika ng mga imigrante. 
 
Ayon sa isang survey na inilathala ng Center for Immigration Studies, ang naitala sa taong 2013 ay isang tunay na record: 61.8 milyon ng mga residente (kabilang ang mga ipinanganak sa States, mga regular at hindi regular na imigrante) ay ibang wika ang ginagamit sa loob ng tahanan. Ang bilang ay tumaas ng 32% kumpara noong taong 2000.  

 
Nangunguna ang wikang Espanyol na ginagamit ng 38,4 milyon katao. Sumunod ang Chinese (3 million), Tagalog (1.6 million), Vietnamese (1.4 million), French (1.3 million), Korean, Arab (1.1 million pareho). 
 
Sa katunayan, 44% (o 27.2 million) ng mga taong nagsasalita ng ibang wika ay hindi mga imigrante dahil ipinanganak sa USA. Ito samakatuwid ay ang ikalawang (at marahil pati Ikatlong) henerasyon na patuloy na ginagamit ang sariling wika ng kanyang pamilya. 
 
Samantala, ang mga estado kung saan may pinakamataas na tala ng “foreign-language speakers” ay ang California 45%, New Mexico 36% at Texas 35%. Yaong kung saan pantay lamang ang pagtaas sa huling 3 taon ay ang North Dakota +13%, Oklahoma +11% at Nevada + 10%. 
 
Ang pagiging multilanguage ay maaaring maging isang yaman ngunit ito ay nagtatakip rin sa limitasyon ng integrasyon. Sa katunayan, 44% ng mga nagsasalita ng ibang wika sa tahanan, ay hindi mahusay magsalita ng Ingles. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Tagalog, la terza lingua più parlata negli USA