Tatlong panukala na nagsasaad ng hindi pagbibigay ng welfare sa mga hindi residente sa Lombardy Region ng 15 taon. Maximum ng 5% ng mga dayuhan sa pabahay o case popolari. Ilang buwan na ang nakakalipas, ang Consultative body ay idineklarang labag sa konsitusyon ang mga batas na ito.
Rome, Mayo 2, 2013 – Tanggalin ang mga imigrante sa welfare sa Lombardy. Huwag ibigay ang mga scholarship sa paaralan, day care, nursery school, serbisyong panlipunan o pabahay. Paalala: para sa salitang imigrante, kadalasan ay di tumutukoy sa mga dayuhan lamang bagkus ang mga non-Lombardians, maging mga italyano man. Ang mga bagong residente sa Rehiyon ng Lega Nord, ay itunututing na mga mamamayan ng second class.
Ito ang buod ng tatlong panukala ng Lega na inilahad sa Lombardy Region na si Fabrizio Cecchetti, ang VP ng Regional Council.
"Ito – ayon kay Cecchetti – ay isang panukala na naglalarawan ng mga kriteyro sa pagbibigay gantimpala sa mga matagal nang naninirahan sa Rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makatanggap ng mga serbisyo. Lalo na sa panahon ng matinding krisis at higit na pangangailangang pamahalaan ang nakalaang pondo, at para sa amin ay kinakailangang kumilos sa direksyong ito”.
Dalawang panukalang naglalayong ipakilala ang labinlimang taon ng patuloy na paninirahan sa rehiyon bilang panahong kinakailangan upang makakuha ng serbisyong panlipunan at karapatan sa edukasyon at kalusugan, halimbawa, upang manguna sa listahan sa mga day care. Ang ikatlong panukala ay ang pagtanggap sa pampublikong pabahay: ang panukala, bukod sa higit na panahon ng pagiging residente, mula 5 hanggang 15 taon, ang limitasyon ng 5% lamang sa pagbibigay ng pabahay sa mga mamamayang hindi nagmula sa mga bansa ng Europa.
"Sa ganitong paraan, – dagdag pa ni Cecchetti – ay mababalanse ang di-kapanipaniwalang sitwasyon na aking nakita hanggang sa ngayon, na ang mga bagong residente ng Rehiyon ay karaniwang nalalampasan at higit na tumatanggap ng mga serbisyo kaysa ang mga dati o matagal ng residente ng rehiyon”.
Mukhang ang Lega ay hindi gasinong kilala ang Saligang-Batas at mga prinsipyo nito. Ang parehong batayan kung saan, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas, ang Consultative o Consulta ay tinanggal ang ilang mga hakbang o batas ng Autonomous Province ng Bolzano na nagpataw din ng limitasyon sa taon ng residensya upang makatanggap ng serbisyong sosyal, tulong pinansyal o mga scholarship.
Para sa mga hukom, ang mga nabanggit na panuntunan ay labag sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at sa karapatan sa edukasyon ng Saligang Batas. At sa hatol ay mapapansin na walang kaugnayan ang haba ng taon ng residensya at sa sitwasyon at pangangailangan ng mamamayan sa pagtanggap ng mga serbisyong sosyal. Mahirap, kahit na maaprubahan, ang magtagal ang mga batas ng Lega.
"Ang Lega ay nagbabalik sa kanilang ideolohiya, at sa pagkakataong ito ay tila lantad ang pamamaraan, dahil sa apektado na rin kahit ang mga bata”, ayon sa regional head ng PD. Ipinaalala rin na ang "panukala ay isang diskriminasyon ng malaking bahagi ng mga mamamayan na nagpasyang manirahan sa Lombardia, nagbabayad ng buwis at gumagalang sa batas, maging italyano, europeo o mga dayuhan man”.