in

Tatlong senador ng M5S, pabor sa ius soli

Sina Alessandra Bencini, Manuela Serra at Paola De Pin ay pabor at pumirma sa ddl (disegno di legge) o panukalang batas ni Ignazio Marino na agarang magbibigay ng italian citizenship sa mga anak ng imigrante. Referendum, ang hiling ni Grillo. 

Roma – Mayo 21, 2013 – Higit sa referendum, sa loob ng partido ni Grillo, ay mayroong ilang naniniwala sa reporma ng batas sa pagkamamamayan, na dapat ay isulat at aprubahan sa Parliyamento, sa isang matibay na desisyon ng ius soli. 
 
Sino ang magsasabi  na maaring ang mga ipinahayag ni Grillo noong nakaraang Biyernes sa kanilang blog ay patungkol sa mga Parlamentarians maging sa head ng Kamara na si Roberta Lombardi, bilang paalala, ay nagpahiwatig na pabor sa reporma. Sa katunayan, 3 araw bago ang May 7, tatlong senador ng M5S ang pumirmah sa panukalang batas (ddl) na magbibigay agad ng citizenship sa mga anak ng mga imigrante.

 
At ito ang Senatorial act num 17, Susog ng batas noong Pebrero 5, 1992, ukol sa pagpapatibay ng ius soli. Isinumite noong nakaraang March 5 ng senador na si Ignazio Marino at pinirmahan naman ng halos 20 miyembro ng PD at tulad ng nabanggit, 3 buhat sa partido ni grillo; ni Alessandra Bencini (Tuscany), Manuela Serra (mula Sardegna) at Paola De Pin (mula Veneto). 
 
Ang teksto ng ddl ay hindi pa inilalabas. Ngunit lalong higit na mabuti kung kahintulad ito ng isinumite ni Ignazio Marino noong nakaraang lehislatura: kung saan nasasaad na Italyano  “ang sinumang ipinanganak sa bansang Italya”. Samakatwid ay purong ius soli ang pinaka radikal na panukalang batas ang inilahad hanggang sa kasalukuyan sa Parliyamento. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy carnapper sa Milan, arestado

Listahan ng nangungunang party-list group, inilabas ng Comelec