in

Tax evasion – 60% ng mga domestic jobs ay hindi deklarado

Ngunit ang record ay ang mga nagbibigay ng private lesson: 90%. 7 sa bawat 10 Italians ay nais ipakulong ang mga evaders. Ito ang resulta ng Eures Report 2012.

Roma – Oktubre 4, 2012 – Hindi nawawala ang mga umiiwas sa buwis at sa mga nakapanayam, nangunguna ang domestic workers, 6 sa bawat 10 beses ay hindi nagbabayad nito.

Ito ang inilalarawan ng III EURES Report on legalities and Tax evasion in Italya, batay sa obserbasyon ng mga mamamayan, na sumuri sa 52 categories ng mga worker, base sa opinion ng mga random sample ng 1.225 Italians buhat sa 19 Regions, 94 Provinces at 367 Municipalities. Sa mga ito ay hininging husgahan, base sa kanilang karanasan , kung sino at magkano ang mga tinakasang buwis.

Ang resulta? "Sa pagitan ng 2004 at 2012 ang kinagawian ng mga artisans, freelance professionals at negosyante ang hindi pag-iisyu ng resibo at invoice at ito ay hindi nagbago – kumpirmasyon ng report – kumpirmado na ang tax evasion ay isa sa pangunahing hadlang sa pag-ahon ng ekonomiya ng bansa”.

"Sa kabila na ang 2012 ay nagtala, sa halos lahat ng mga kategoryang sinuri, ng isang pagbaba ng nasabing kaugalian kumpara noong 2007, taon kung kailan naitala ang pinakamataas na porsiyento ng tax evasion, ang mga percentage ay natutulad noong 2004 at nagpapakita ng tax evasion sa sampung taong nagdaan.  

Ang record ay naitala sa mga tutors sa pagbibigay ng kanilang private lessons na umabot sa 89%. Ang mga nasa service sector – babysitter at caregivers (63,2%), colf (61%), ngunit ang research ay hindi tinukoy kung ang mga imigrante ay walang permit to stay, o sadyang undeclared ang hiring.

Sa mga artisans, ang mga pinaka-evaders ay mga gardeners (67.3%), carpenters (62.8%) at plumbers (62%), at bar (17.8%), dealers ng mga construction materials (17.3%) at restaurant / pub at pizzerias (17.2%). Kabilang naman sa mga professionals ang mga lawyers (42.7%), na sinusundan ng mga surveyors (40.2%) at Psychologist (40.0%) bilang mga evaders.

Dumadami, gayunpaman, ang justicialism. Pito bawat sampung Italians ay nais ipabilanggo ang mga evaders samantala kakaunti ang pagtitiwala sa pagkilos ng pamahalaan laban dito, itinuring namang ‘hindi epektibo’ ng 63% ng mga respondent.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Republic Act No. 10175, nagbibigay ba ng karapatan sa gobyernong buksan ang email, inbox at mga private messages?

Katibayan ng pananatili sa Italya, pinalawak