in

Tax incentives nakalaan sa mga employer ng domestic jobs

Deductible ang mga kontribusyong ibinayad sa Inps ng employer. Tax reduction naman para sa mga mayroong caregivers. 

 

 

Roma, Abril 15, 2016 – Panahon na ulit ng tax return o dichiarazione dei redditi at ang mga employer sa domestic job ay may posibilidad na mabawasan ang buwis na babayaran, kung ang colf, babysitter o caregiver ay regular na inimpleyo. 

Para sa lahat ng employer sa domestic job, ay may posibilidad na ibawas sa taxable income (deduzione) ang mga kontribusyon na ibinayad sa Inps sa nakaraang taon hanggang 1549,37 euros. Ang insentibo ay ibinibigay anuman ang halaga ng income at sa sinumang gagamit ng 730 precompilato, ay maaaring awtomatiko na itong makikita sa deklarasyon, magmula na ang Inps ay ipinagbigay-alam sa Agenzia dell’Entrate ang kontribusyong nabayaran na. 

Bukod dito, ang mga employer ay mayroon pang diskwento sa buwis o ang tinatawag na detrazione para sa sinumang nagbabayad ng caregiver para mag-alaga sa isang non self-sufficient at pinatutunayan ng mga medical certificate. Ito ay tumutukoy halimbawa, sa mga taong hindi kayang kumain mag-isa, gawin ang pansariling kalinisan, paglalakad, pagbibihis at pangangailangan sa tuluy-tuloy na pagsubaybay. 

Sa ganitong mga kaso, ay maaaring ibawas (detrarre) mula sa Irpef o buwis ang 19% ng halagang ginastos o ipinasahod sa caregiver, hanggang sa maximum expenses ng 2,100 euros para sa bawat tax payer, ilan man ang bilang ng domestic workers. Ang insentibo ay nakalaan lamang sa employers na mayroong sahod na hindi lalampas sa 40,000 euros. Ang expenses ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng deklarasyon ng ibinigay na sahod ng caregiver at hindi ito awtomatikong makikita sa deklarasyon na hindi precompilato

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iscrizione anagrafica, ano ito at bakit ito mahalaga

Malaking “Check”: Filipina student nagpamalas ng Galing sa Chess sa Regional Meet sa Toscana