in

“Tax ng permit to stay hindi na dapat bayaran, abisuhan ng Ministry ang mga Questure”

Labinlimang araw makalipas lumabas ang desisyon ng TAR, ay patuloy ang pagbingi-bingihan ng Viminale. Piccinini (Inca CGIL): “Kahiya-hiyang katahimikan, hindi makatarungang paghingi ng bayad. Ang aming mga abugado, handang kumilos”.

 

Roma, Hunyo 8, 2016 – Tinanggal na ang buwis sa permit to stay ngunit patuloy na nagbibingi-bingihan ang nag-utos nito nito sa mga imigrante. 

Dalawang linggo makalipas lumabas ang desisyon ng TAR na tuluyang nagtanggal ng kontribusyon para sa issuance at renewal ng permit to stay (80, 100 o 200 euro) ay nananatiling walang anumang tugon ang gobyerno. At higit na kahiya-hiya na wala pa ring order ang Ministry of Interior sa mga Questure na mag-assess. Nanahimik din ang Ministry of Economy kung kaya’t naitatanong kung ganito rin kaya ang katahimikan kung buwis sa basura o sa canone Rai ang pinag-uusapan. 

Natural na wala ng ibang kailangan pa upang ipatupad ang desisyon ng Tar. Sa ngayon, ang sinumang hihiling ng releasing  ng permit to stay ay dapat lamang bayaran ang bollettini sa issuance e-permit: 30,46 euros, ang marca da bollo na 16 euros at ang karagdagang 30 euros para sa serbisyo ng Poste Italiane. At wala ng iba pang interpretasyon maliban dito.

Alam ba ito ng Questure? Marahil ay nabalitaan lamang at hindi mula sa awtoridad: “Kami ay naghihintay ng isang probisyon” ang kanilang karaniwang sagot. 

Ang pinakahihintay na circular na maglilinaw sa mga Uffici Stranieri ng tunay na sitwasyon ay wala pa rin hanggang sa ngayon. Noong nakaraang May 26, ang Stranieriitalia.it mismo ang nagtanong ng impormasyon sa Immigration Head Office ay walang sagot hanggang ngayon. 

Ang katahimikan ng Ministry ay nakakahiya at ang kawalang kasiguraduhan ng Questura ay nakaka-epekto sa mga imigrante” sagot sa Stranieriinitalia.it ni Claudio Piccinini, ang coordinator ng Immigration Office ng Inca, na kasama ang Cgil na nanguna sa pagsusulong sa apila upang matanggal ang buwis. Ang patronato ay nagpakalat ng komunikasyon kung saan humihingi sa public administration na mag-assess hangga’t maaga sa balitang ito, upang maiwasan ang anumang hindi tamang  pagkilos at higit sa lahat sa nalalapit na panahon ng bakasyon kung saan maraming mga imigrante ang mangangailangan ng dokumento upang makapag-bakasyon sa sariling bansa”. 

Lahat ng mga kasamang patronati sa Cepa (Inca, Cgil, Inas Cisl, Ital Uil at Acli) ay tumutulong sa mga imigrante upang sagutan ang mga form sa aplikasyon ng renewal at sumunod na sa naging desisyon. Ang panganib ay ang pagbayarin ang mga imigrante ng hindi na dapat pang bayarang buwis, na napaka hirap na makuhang muli. At higit na nagiging kumplikado ang sitwasyon dahil sa ilang mga Questure na nalaman ang pagtatanggal sa buwis at habang naghihintay ng bagong g indikasyon ay inihinto ang pagsusuri sa mga aplikasyon na nabayaran na sa pamamagitan ng kontribusyon at nanganganib na tanggihan ang renewal ng dokumento. 

I-pending o tanggihan ang mga aplikasyon – paglilinaw muli ni Piccinini – ay hindi makatwiran, tulad ng hindi makatwirang paghingi ng labis na kabayaran. Hindi na nangangailangan pa ng karagdagang probisyon, o anumang circular upang ipatupad ang desisyon ng Tar. Ang batas na nag-uutos na bayaran ang buwis ay kanselado na.  Ang ating mga abugado ay magbabantay sa Questure at kikilos kung kinakailangan”

Ang ideyang bumalik sa hukuman upang ipatupad ang naging desisyon ng ibang hukuman ay tila katawa-tawa, dahil sapat na ang ilang linya mula Roma para sa mga Questure: Tinanggal na ang buwis at hindi na dapat bayaran pa – upang maiwasan ang anumang apila laban sa Ministry of Interior. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The Proud Musicians, konsyerto ng mga munting musikero

TALASAYAWAN para sa kalikasan: Matagumpay na naidaos sa Firenze