in

TEMPORARY PERMIT TO STAY: Pansamantalang solusyon sa mga Tunisians sa Lampedusa.

ANIMNAPU’T ANIM NA KINATAWAN NG PDL: "TOLDA RIN KAHIT SA NORTH"

altWalang katapusanang pagdating ng mga imigrante sa Sicily. Ang ilan ay tumakas mula sa Africa upang makaligtas sa digmaan at mga pag-uusig, kaya marahil ay makakakuha ng political asylum at ng pagkakataon upang manatili sa Italya.

Karamihan, gayunpaman, ay Tunisian na naghahanap ng trabaho, ngunit sa kanilang bansa ay hindi naman nanganganib ang kanilang buhay. Sa kadahilanang ito, ang mga batas ng Italya ay tinuturing silang mga iligal na dapat patalsikin at pinauwiin sa kanilang bansa. Ngunit lahat ng ito ay hindi madali, hangga't ang Tunisia, ay nasa gulo pa rin matapos ang isang rebolusyon,

ang hindi nila pakikipagtulungan upang tanggapin ang mga pinatalsik at pigilan ang mga nagnanais lumabas ng bansa.

Kaya nagpasya na magtayo ng mga tolda upang panatilihin ang mga naghihintay ng deportasyon, ngunit ito ay lumikha ng mga reklamo mula sa mga mamamayan at administrador ng lungsod na tatanggap ng mga istruktura.

Isa pangsolusyon ang sinusuri,  ang pagbibigay ng permit to stay na may motibo ng ‘pansamantalang proteksiyon’ sa mga Tunisian upang manatili. Sa ganitong paraan sila ay maaaring manirahan at magtrabaho sa Italya ng regular ng hindi bababà sa isang taon o makapunta, tulad ng inaasahan ng Italya, sa kanilang mga kamag-anak na nakatira sa ibang bansa ng Europa.

SAMANTALA, Pumayag ang LEGA sa temporary permit to stay para sa mga Tunisians na dumating sa Lampedusa. Isang solusyon upang maging regular, kahit panandalian lamang, ang kanilang kalagayan, na nagpapahintulot na lumipat sila sa ibang bansa ng EU.

Ang pahintulot ni Umberto Bossi ay pinahayag kahapon ng hapon sa isang pagpupulong kay Berlusconi, kung saan ang mga lider ay ipinahayag ang kanilang pagsalungat sa kampo, na maging isang pansamantalang solusyon, at upang hilingin sa ang ibang mga bansa ng EU na harapin dina ng emergency. Itoay habang patuloy na hinihintay ang isang kasunduan sa Tunisia na ipahinto ang paglabas at simulan ang pagpapabaliksa kanila.

Samantala, ang PDL ay nagtatag ng isang sangay na malapit sa posisyon ng nagbibitiw na si Alfredo Mantovano. Kahapon 62 ang mga kinatawan at senador ay sumulat na isang open letter kay Silvio Berlusconi na humihiling na ipamahagi ang mga tolda sa isang patas at proporsyong paraan sa buong teritoryo, upang hindi lamang ang Southang tumanggap ng bigat ng sitwasyon ".

Ang animnapu’tdalawang ay hinihingi din ang isang "pagbubuo sa maliliit na grupo ng mga migrante, upang maiwasan ang pagtatayo ng maxitendopoli, upnag magarantiyahan ang seguridad at maiwasan ang mga pagtakas”. Bilang pagtatapos, ang kahilingan ng pagi-isyu ng humanitarian permit to stay sa mga Tunisians upang hindi maging biolento o marahas at upang maipakita ang maayos at pinal na destinasyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NANANATILING MARAMING HIWAGA ANG PAGKAMATAY NG KONDESA

PATENTINO O LISENSYA PARA SA SCOOTER AT MINICAR