in

Tinanggihan ng Senado ang odg ng PDL at Lega: Tuloy ang regularization

Ayaw tanggapin ng Lega Nord at nangako ng mga bagong laban.

Roma, Agosto 3, 2012 – Tinanggihan ng Senado ang odg ukol sa dekreto ng mga tuntunin sa kalusugan kung saan ang mga miyembro ng Lega at ng PDL ay humihingi sa gobyerno na ''itigil ang amnesty with fee na inaprubahan ng gobyerno ".

Ang pagtanggi sa nasabing odg ay naghasik ng ‘init’ at nanganagko ng mga bagong laban ang parte ng Pdl at Lega.

''Ang bagong Sanatoria ni minister Riccardi – ayon sa senador ng Lega Nord Sandro Mazzatorta – ay maghahatid ng isang mabigat na epekto sa pondo ng SSN: 43million euros para sa 2012, 130 million euros sa 2013 at pagkatapos ay 130 million euros sa mga susunod na taon. Alam ba ng Ministro ng Kalusugan ang mga nangyayari? Alam ba ang magiging epektong negatibo nito sa SSN ng Amnesty na ito?

"Hindi namin matatanggap – protesta ni Mazzatorta – ang regularization na ito. Bukod dito, ang tinantyang bilang ng mga iligal na dayuhan ay higit na malaki kaysa sa ibinigay ni Riccardi, aabot hanggang sa 800,000. Ipinaaalala ko na nananatiling ipinatutupad sa bansang ito ang Security law ng 2008 ni Minister Maroni kung saan nasasaad ang krimen ng pagtanggap sa mga irregular, at pinaparusahan ng pagkakakulong hanggang 3 taon at multa ng 5,000 euro”.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, maingat sa pagbili ng mga produkto

973 euros, karaniwang pay envelope ng mga imigrante