in

Total deduction ng gastos sa domestic job, hangad ng Assindatcolf

Total deduction ng € 72 million lamang kung isasaalang-alang ang direct at indirect benefits nito – Censis ng Assindatcolf: “Tulungan ang mga pamilya”.

 

Roma, Nobyembre 23, 2015 – Sila ang nagpapanatiling malinis at maayos ang mga tahanan, sila ang nagluluto, nag-aalaga sa mga matatanda, bata at taong may sakit. Sila ang kilalang colf, babysitters at mga caregivers o mga kasambahay na tinatayang aabot sa 1,6 milyon sa Italya. Sa kabilang banda, tinatayang 2.1 milyon naman ang mga pamilya na sadyang mahihirapan sa kawalan ng mga kasambahay at sila ay gumagastos ng €19,3 milyon kada taon.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pahintulutan ang tax deduction ng gastos sa mga colf sa tax return ng mga pamilya?

Ayon sa pag-aaral ng Censis ng “Sostenere il welfare familiare”, na inilahad ng Assindatcolf kamakailan, ang mga pamilya umano ay magbabayad ng mas mababang buwis, makakatulong gawing regular (o emersione) ang 340,000 irregular workers at maghahatid ng 104 milyong bagong trabaho. Ang mga nabanggit ay maghahatid umano sa tax deduction buhat sa estado ng halagang € 675 million.

Maghahatid din umano ng employment sa ibang sektor (80,000 employee), higit na buwis at bayad na kontribusyon kasabay ang higit na pagkonsumo ng mga pamilya (VAT revenue) salamat sa maitatabi o maiipon. At kung isasaalang-alang ang mga nabanggit, ang tax deduction para sa estado ay aabot ng €72 million.

Gayunpaman, “Ang halaga ay maituturing na halos balewala ngunit maaring pagmulan ng isang tunay na pagbabago sa sistema ng Italian welfare. Ang mga pamilya ay magiging malaya umano sa kanyang tungkulin ng pag-aalaga at bilang resulta ay ang pagbabalik sa kanyang social functions, kabilang dito ang pagbawi sa pangunahing tungkulin ng pamilya sa pamamgitan ng pagpapataas sa natal rate”, ayon kay Andrea Zini, ang Vice President ng Assindatcolf, ang association ng mga employers sa domestic job.

Ang research ay ipinapaliwanag rin na ang “emersione” ay nananatiling isang mabigat na tema sa domestic sector, dahil ito ay sumasaklaw sa 55% ng mga employed. Gayunpman, ang sitwasyon ay bumuti dahil noong 2001 ang datos ay higit sa 80%. Kaugnay nito, ang 96.1% ng mga pamilya na mayroong colf sa tahanan ay walang anumang tulong na natatanggap buhat sa Estado at 2.9 milyong karagdagang pamilya pa ang mangangailangan sa mga colf kung may pinansyal na kundisyong magpapahintulot sa mga ito.

Ang trabaho ng mga colf, babysitters at caregivers ay magiging hindi na para sa maykayang pamilya lamang bagkus pati sa mga pangkaraniwang pamilya na rin. Upang sila ay matulungan, ang natatanging paraan ay ang total deduction ng halaga nito”, bigay-diin ng President eng Assindatcolf, Renzo Gardella. “Ang pinakamabilis na paraan – pagtatapos pa nito – ay ang Stability bill 2016 sa Parliament, ngunit kung ito ay hindi mangyayari, ang Assindatcolf ay magpapatuloy sa mga layunin nito hanggang ang mga hinaing ay tanggapin ng mga institusyon”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1,000 euros, nanatiling maximum amount ng remittance mula Italya

Higit na control sa external borders, kahit sa Europeans