in

Travel ban ni Trump, mananatiling suspendido

Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals sa California ang hiling ng Trump administration na ibalik ang travel ban.

 

Pebrero 10, 2017 – Ang Executive Order noong nakaraang Jan 27 na pinirmahan ni Donald Trump, kung saan nasasaad ang pagbabawal sa pagpasok sa Estados Unidos ng mga refugees at mga mamamayan ng pitong Muslim countries ay mananatiling suspendido. Hindi pinagbigyan ang hiling ng Trump administration na ibalik ang travel ban. Ito ay nangangahulugan na patuloy na makakapasok ang mga refugees at mamamayan mula sa Iraq, Syria, Iran, Libya, Somalia, Sudan at Yemen.

Ito ang pinakahihintay na desisyon ng 9th Circuit Court of Appeals sa California. Unanimous ang naging desisyon ng tatlong miyembro ng panel ng judges na huwag pagbigyan ang hiling ng White House na emergency order para ma-reinstate ang travel ban.

Ayon sa naging desisyon may makapangyarihang interes ang publiko sa seguridad ng Amerika at sa kakayahan ng Chief Executive na magpatupad ng mga polisiya. Nasa interes din umano ng publiko na tiyakin ang free flow ng pagbiyahe, hindi mapaghihiwalay ang mga pamilya at maging malaya sa diskriminasyon.

Mabilis naman ang naging tugon sa isang tweet ni Trump “Magkikita tayo sa korte. Nakasalalay dito ang seguridad ng ating bansa”. Bagaman, hindi malinaw kung anong korte ang tinutukoy nito. Dalawa lamang ang posibleng tinutukoy nito: ang Court of Appeals kung saan maaring humingi ng isa pang hearing kung saan hindi lamang ang tatlong hukom na nagdesisyon (na binubuo ng dalawang Democratic at isang Republican appointee) bagkus ay labingisang hukom o Supreme Court na marahil higit na tinutukoy nito.

Matatandaang una nang idineklara ng federal district court na unconstitutional ang Executive Order ni Trump.

Ayon sa mga tumututol dito, isa umanong diskriminasyon laban sa mga Muslim ang kautusang ito ni US president.

Iginigiit naman ng panig ni Trump, na ang travel ban ay para sa seguridad ng Estados Unidos upang maiwasan umano ang pagpasok ng mga radical Islamist.

Binatikos din ni Trump ang mga huwes na nagdesisyon para pigilin ang kaniyang travel ban.

Sa katunayan ang pagpatupad ng travel ban ay nagdulot ng kaguluhan: nagprotesta ang mga apektadong biyahero sa iba’t ibang mga paliparan sa US, may ilang mga ikinulong at mayroon ding pina-deport pagdating sa Amerika bukod pa sa kaliwa’t kanang kasong inihain laban sa nasabing travel ban. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Panatilihin ang points sa driver’s license matapos ang isang multa, narito kung paano

P2 bilyon para sa relief operations sa Surigao