Ang pagsusuri ay hindi obligado at “hindi kabilang ang kawalan ng proper hygiene bilang requirements sa pagpapatala bilang residente”. Ang Council of State ay pinigilan ang mga anti-migrants na alkalde.
Roma – Enero 22, 2013 – Kahit ang mga naninirahan sa isang garage, sa isang atic o loft o sa understairs ay maaaring magpatala sa General Register Office (o Anagrafe) bilang residente. Ang mga alkalde ay hindi maaaring tumanggi dahil hindi angkop ang tahanan.
Ito ang naging pahayag ng Council of State sa Ministry of Interior, na kamakailan sa mga Prefecture. Ipinaliwanag ang arikulo ng Security law 94/2009 (pirmado ng mga taga Lega Nord), kung saan nasasaad na ang “pagpapatala at ang aplikasyon ng pagbabago ng tirahan sa Anagrafe ay maaaring maganap matapos ang pagsusuri mula sa mga angkop na tanggapan ng Munisipyo, at ng hygiene condition ng tahanan kung saan ang aplikante ay maninirahan bilang ganap na residente.
Maraming mga alkalde, lalong higit sa North Italy at Carroccio, ang nagpahiwatig ng magandang pagkakataon upang labanan ang mga imigrante. Mayroong mga tanggapan ng administrasyon na tinatanggihan ang pagpapatala sa pagsusuri ng requirements ng pagiging angkop, at ang iba naman ay humihingi ring ilakip sa aplikasyon ang idoneità alloggiativa o ang dokumento na nagpapatunay ng pagiging angkop nito. Karamihan sa mga ito, ay nagtalaga ng requirement na nabanggit para lamang sa mga dayuhang mamamayan.
Sa kasalukuyan ang Council of State ay binigyang diin na ang “pagpapatala sa Anagrafe o sa listahan ng mga residente ay kumakatawan bilang isang karapatan at obligasyon ng lahat ng mga mamamayan, Italiano man o hindi, na regular na naninirahan sa Italya”. Ang security law ay nagpalabas ng isang “option” at hindi isang “obligasyon” ng pagsusuri at samakatwid hindi kabilang “ang kawalan ng proper hygiene bilang requirements sa pagtatalaga ng residence sa isang lugar”.
Tinanggihan ang paghingi ng orihinal na kopya ng idoneità alloggiativa, na sa halip ay maaaring gawan ng self-certification. Ngunit hindi rin maaaring gawin ang pagsusuri sa mga imigrante, “dahil ito ay isang paglabag sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay na binanggit sa artikulo 3 ng Konstitusyon, habang mayroong mga general conditions kung saan dapat gawin ang partikular na pagsusuri (pagkakaroon ng mga social risks sa ilang lugar) ngunit walang anumang koneksyon sa citizenship.”
Ang administrasyong lokal ay nananatiling malayang suriin ang tahanan kung angkop o hindi, ngunit sa huling kaso, ay maaaring i-reklamo o i-report ito. Ngunit ang ganitong uri ng aktibidad, ay hindi para sa pagpapatala bilang residente dahil walang kinalaman ito sa tema ng pagpapatala.
Circolare del ministero dell’Interno e parere del consiglio di Stato