“Kailangan ng mga bagong batas, ang kasalukuyang Bossi-Fini law ay naglalaman ng mga probisyon na nagdulot ng higit na pinsala”
Rome – “Kailangan ng mga bagong batas sa migrasyon. Ang kasalukuyang Bossi-Fini law ay naglalaman ng mga probisyon na nagdulot ng higit na pinsala. Kailangan ngayon na muling gumawa ng mga panukala batay sa isang bagong sistema na may angkop na mga batas, malinaw na kasunduan at higit sa lahat ng may pangangalaga at pagtatanggol sa karapatang pantao”.
Ito ang mga pangungusap ni Livia Turco, ang responsabile sa Immigration Forum ng Democratic Party. “Ang pamahalaan ay naglaan ng mga pira-pirasong probisyon tuwing haharap sa mga usaping may kinalaman sa migrasyon”. Upang pamahalaan ang mga hindi pangkaraniwang bagay tulad nito ay kinakailangan ang pangmatagalan, mahigpit ngunit hindi mga palabas at pagkukunwari lamang na aksyon. Ang Forum ukol sa migrasyon ay gaganapin sa Sabado ika-8 ng Oktubre, ang mga kinatawang lokal ay nakakalat sa buong bansa, ang mga kumikilos na asosasyon, ang mga promoters tulad ng ‘LasciateCientrare’, ang grupo ng ‘1° Marzo’, ang grupo ng ‘L’Italia anche’io’.
“Ito ay panahon ng mahalagang konsultasyon na magiging tulong upang magbahagi at bumuo ng mga proyekto ang Democratic Party para sa imigrasyon. Sa okasyon ding ito – pagtatapos ni Turco – ay uumpisahan namin ang malawakang pagkilos ng partido bilang suporta sa mga bagong mamamayan hanggang ang mga batas sa citizenship ay mabago.