in

UIL: “Point system ng permit to stay, apektado ang mga tapat na imigrante”

“Ang kasunduan ay tila one way , apektado ang mga tapat na mga imigrante at hindi nauugnay sa anumang lohika ng pagpapagaan. Dapat itong isaalang-alang”

altRoma – Marso 12, 2012 – “Komplikado at nagpapahirap na pamamaraan, kabaligtaran sa lohika ng Executive body na patungo sa pagpapagaan o simplification. Tila pinag-aralang mabuti upang maging mahirap ang pamumuhay at trabaho ng mga bagong darating sa bansa”.

Ang Department of Migration ng UIL ay naging kritiko ukol sa integration agreement at point system ng mga permit to stay na sinimulan noong nakaraang Sabado. Ayon pa sa unyon, ito ay isang “ pahirap na sistema ng merit-demerit system para sa mga dayuhan”, na diumano’y kinakailangan sa aplikasyon ng pagsusuri batay sa mga questura at mga sportello unico, na sinasabing overburdened na sa mga gawain ng imigrasyon at tila mas angkop kung ipinagkatiwala sa ilang local na awtoridad.”

Binigyang diin ng UIL na ang kasunduan ay “isang kontrata na nagtataglay ng mga obligasyon at gastos sa mga dayuhan nang hindi nagbibigay ng anumang kapalit na benepisyo. Hinihiling halimbawa sa ga bagong mamamayan ang pag-aaral ng wikang italyano, ngunit hindi naglalaan ng anumang pondo at anumang istraktura pang-edukasyon at suporta. “

“Walang kabuluhang pagpapahirap – dagdag – ang isang obligasyong maabot ang 30 puntos bilang kredito sa loob ng 3 taon, na may panganib ng pagpapatalsik  (bantay sa desisyon ng prefect). Marahil ay dapat alalahanin na ang bansa ay kasalukuyang nahihirapan sa pagpapatalsik maging ng mga pumasok ng iligal sa bansa. Tila wala sa katwiran, samakatuwid, ang ideya ng pagpapaalis sa mga pumasok sa bansa ng alinsunod sa batas. Maliban na lamang kung ang pag-papaalis ay hindi makatwiran at sanhi ng mabigat na dahilan laban sa kaayusan ng bansa at sa hatol ng hukuman. “

Isinasaalang-alang din ng unyon na “tama na ang mga dayuhan ay matutunan ang wikang Italyano at alam ang batas at mga patakaran ng sibil na pamumuhay sa bansa. Ngunit ito, sa aming opinyon, ay dapat magkaroon ng isang stimulating at rewarding na pamamaraan, sa halip na isang paraan ng isang posibleng pagsasaisang-tabi, tulad ng ipinahihiwatig ng bagong point system”.

Sa mga kadahilanang ito, ang UIL ay nanawagan sa Pamahalaan “ng isang pagsasaalang-alang na ang nilalaman ng bagong patakarang ito, ay lubhang nakakaapekto sa mga tapat na mga dayuhan at hindi walang anumang lohika sa paraan ng pagpapagaan.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Integration Agreement, ang nilalaman nito sa wikang Tagalog

Dalawang Pinoy, dinakip sa sentro