in

UIL “Self-certification? Pagpapahaba ng panahon ng releasing ng mga permit to stay”

Loy: “Ang public administration ay wala pang sapat na kakayahan upang makipag-palitan ng mga dokumentasyon, ang mga Questure ay dapat na kunsultahin ang bawat tanggapan. Kailangan ng moratorium ng isang taon.

altRome – 16 Ene 2012 – Tila isang magandang balita. Subalit ang extension ng self-declaration sa
Public administration ay maaring maging isang bumerang para sa mga imigrante, karagdagang haba ng panahong inaasahan para sa issuance at renewal ng mga permit to stay, family reunification at iba pang mga dokumentasyon.

Ayon kay Guglielmo Loy, presidente ng Uil, ang magandang balita ay nagsimula noong Enero 1 “ay hindi nagsaalang-alang ng kasalukuyang kalagayan ng intersection ng mga impormasyon sa pagitan ng mga tanggapang publiko.”

“Sa katunayan, – ayon pa sa unyon – ang mga korte ay hindi na nag-iisyu ng mga Cirminal record certificates (certificati di carichi pendenti), ang mga munisipyo ay hindi na nag-iisyu ng mga housing certificate (certificati di idoneità alloggiativa), ang mga unibersidad ay hindi na rin nag-iisyu ng mga enrollment at pass certificate.

Dahil ang mga Questura ay hindi pa maaaring makapasok on line sa mga database ng public administration offices, ay napipilitang sundin ang karaniwang pamamaraan ng pagpapadala ng request sa pamamagitan ng koreo at on line.

Isaalang-alang, halimbawa, ang isang mag-aaral sa unibersidad na magre-renew ng kanyang permit to stay. Hanggang Disyembre 31, ay kinailangang ipakita ang sertipiko ng mga pagsusulit, ngunit sa ngayon ang mga unibersidad ay hindi na maaaring mag-release nito. Maglalakip, samakatwid, ng self-certification. Upang i-verify kung ito ay totoo, ang Questura ay dapat kumonsulta sa unibersidad, na hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang koneksyon sa database ng mga unibersidad.

Ang resulta? “Pagka-kaantalang walang kasiguruhan sa tiyak na panahon ng releasing, sa kabila ng limang taong pagpupursigi ng Ministry of Interior, at mga unyon upang mabawasan ang panahon ng paghihintay,” sabi pa ni Loy. Samakatuwid ang apila sa Ministro para sa pagpapagaan, Filippo  Patronni Griffi: “Kahit ng mga permit to stay lamang – panawagan ng UIL – sa isang taon panahong kailangan para sa access sa database ng Adiministrasyong publikong ng bigyan ng mga sertipikong kinakailangan ang mga imigrante. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3 sugatan sa 300 Filipino crew ng Costa Concordia

Pinoy crew members, ligtas lahat!