Binigyan na ng awtorisasyon ng Ministry of Labour and Social Policies ang mga Ispettorati territoriali del Lavoro sa unang bahagi ng bilang o quota na napapaloob sa Decreto Flussi 2020 para sa lavoro autonomo (o self-employment), lavoro subordinato at conversion ng mga permit to stay. Ito ay magpapahintulot upang masimulan ang pagproseso sa mga aplikasyon na isinumite ng mga employers.
Partikular, ay hinati na ang unang bahagi ng quota ng Flussi sa mga provinicie:
- 4,000 para sa lavoro non-stagionale tulad ng autotrasporto merci (professional drivers), edilizia (o construction) at turismo;
- 2,466 para sa conversion ng mga permit to stay per lavoro subordinato at autonomo;
- 6,500 para sa lavoro stagionale sa agriturismo at turismo;
- 4,938 para sa seasonal job sa agriturismo ng mga aplikasyon na isinumite ng mga asosasyon Cia, Coldiretti, Confagricoltura, Copagri e Alleanza delle cooperative – Lega cooperative e Confcooperative – bilang employers.
Ang nalalabing bilang o quota para sa entries at conversion ng mga permit to stay ay hahatiin sa ikalawang pagkakataon batay sa mga pangangailangan ng bawat lugar o provincia. Samantala ang mga bilang o quota na nakalaan sa mga nakatapos ng formation courses at sa mga mayroong italian origin ay hahawakan naman ng Central Office of Immigration and Integration policies at ibabahagi batay sa mga natanggap na aplikasyon.
Narito ang Circular n. 15 ng November 2, 2020 ukol sa distribusyon ng quota ng Decreto Flussi 2020
All. 1 – Attribuzione quote di conversione permessi di soggiorno in lavoro subordinato ed autonomo e quote di lavoro subordinato settori autotrasporto merci per conto terzi, edilizia e turistico alberghiero;
All. 2 – Attribuzione quote per l’ingresso di lavoratori non comunitari per lavoro stagionale/pluriennali e quote per l’ingresso di lavoratori stagionali /pluriennali nel settore agricolo su istanze presentate dalle organizzazioni professionali dei datori di lavoro;
Basahin din: