RISULTA NG EXAM SA FLORENCE, ISA SA 19 HINDI PUMASA SA ITALIAN EXAM
Hindi nakababahala ang unang resulta ng italian language exam noong nakaraang Biyernes sa Florence sa paaralan ng Arnolfo di Cambio-Beato Angelico. Lahat ay pasado, maliban sa isang kumuha ng pagsusulit.
Ang pagsubok ay nagsimula sa pakikinig ng recorded dialogue:
‘‘Magandang umaga, matindi ang sakit ng lalamunan ko, ano ang maaari kong inumin?”,’May lagnat ka rin ba?”. “Sa palagay ko ay wala naman”. “ Subukan mo ang tabletang ito with mint at pulot”.
Pinapili ang mga nag exam ng lugar; 1) sa botika 2) sa ospital 3) sa isang klinika.
Ang ikalawang pagsubok ay ang pakikinig sa isang mensahe sa answering machine:
”Hello Julia, Si Vanda ito. Kamusta ka na? Nalaman ko na may lagnat ka! Tumawag ka na ba ng doktor? Tapusin ko ang aking trabaho ng ala sais,dadalawin kita. May kailangan ka ba? Dadalhana kita ng pagkain? Iwanan mo ako ng mensahe sa telepono. Bye.”
May limang opsyon na pagpipilian upang ilarawan ang nilalaman ng mensahe.
Para sa pagsusulit ng pagbabasa ay ibinigay ang isang commercial ad, (lahat sa gym) na may katanungan at mga kasagutan, at limang maikling sentences para gamitin.
Bilang pagtatapos, kailangang i fill up ang isang form ng prefecture para sa impormasyon ng mga dokumentong kailangan para sa citizenship at sumulat ng labing limang salita sa isang postcard para sa isang kaibigan para imbitahan sa vacation.